20/08/2026
πβ¨ GINAGAWARAN NG SPECIAL AWARDS ANG TERPSICHOREAN PERFORMING ARTS ACADEMY INC.
Isang malaking karangalan ang ipinagkaloob sa Terpsichorean Performing Arts Academy Inc. (TPAA) matapos maipamalas ng ating mga itinuturing na Lucenahin Pride ang kanilang galing, talento, at husay sa international stage.
Sa ginanap na ARTSENSE International Arts Festival sa Kuala Lumpur, Malaysia, nag-uwi ang grupo ng tatlong (3) Gold Awards, na patunay ng kanilang dedikasyon, pagsisikap, at husay sa larangan ng sining. π΅ππ²πΎπ
Kinilala rin ang TPAA bilang isa sa mga pangunahing tagapagtaguyod ng sining at kultura sa Lungsod ng Lucena, isang pagkilalang higit na nagbibigay-inspirasyon sa aming patuloy na paglilingkod at paglinang sa talento ng kabataan.
Taos-puso ang aming pasasalamat sa City Government of Lucena, Mayor Mark Alcala, at sa Sangguniang Lungsod sa pagkilala at suporta sa TPAA at sa aming mga kabataang Lucenahin. β€οΈ
Ang parangal na ito ay hindi lamang para sa TPAA, kundi para sa lahat ng Lucenahing patuloy na nangangarap, nagsisikap, at ipinagmamalaki ang galing ng Lucena sa mundo.
Lucena Pride. Filipino Talent. World-Class Excellence. π΅πβ¨