15/02/2026
"mag-aral ka ng mabuti",
"matataas naman ang mga grades mo kahit papaano",
"tiyak na malayo ang mararating mo kasi matalino ka",
yan ang mga linya na paulit-ulit kong naririnig mula sa kanila.
siimula elementarya,
kahit ngayong haiskul na.
masarap pakinggan subalit hindi nila alam kung ano ang bigat na dala nito sa aking pakiramdam.
magpapasalamat ako at ngingiti sa bawat nilang pagbati,
ngunit ang aking ngiti ay saglit lamang sa aking labi.
ang hirap kapag ang taas ng ekspektasyon nila sayo,
kailangan palaging gagalingan mo,
kailangan wala silang maipupuna sayo.
kahit nakakapagod hindi ka pwedeng sumuko.
sa tuwing makakatanggap ako ng maraming medalya
akala nila ay napakatalino ko na.
akala nila napakagaling ko,
pero ang totoo,
kinakaya ko lang talaga.
hindi ako katulad ng ibang anak o estudyante,
na ang medalya o mataas na grado ay naipagmamalaki,
yung tipong wala silang masasabi.
kasi kahit husayan ko man sa klase,
ginagawa ko lang ito dahil ayaw kung biguin ang ekspektasyon sa akin ng nakararami.
na halos iniiyakan ko ang mababang grado na aking nakukuha.
kasi ayaw kong makarinig ng pangungutya,
ayaw kong sirain ang imahe na binuo nila sa kanilang isipan,
pero ano pa nga ba.
kahit pagod na, wala namang magagawa.
yung pakiramdam na para akong nasasakal,
iniiyakan ko ang pag-aaral,
na halos buong buhay ko ay ginugugol ko dito,
kaya makakuha man ako ng matataas na grado,
hindi nila alam na sobrang pagod at luha ang puhunan ko.
hindi ko alam kung ano ang aking gagawin,
hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin,
at kung ano ang aking mararating.
kasi sa totoo lang, nakakabobo, at nakakapagod.
lalo na sa tuwing hindi ko naaabot ang ekspektasyon ninyo.
hindi lang naman kayo ang aking nabibigo.
maging ako.
lalo na tuwing sobra ang aking ibinibigay,
ngunit ang kapalit ay lumbay.
hindi na ako kontento,
dahil tila lahat ng pagsisikap ko,
humahantong lang sa pagkabigo.