02/06/2026
πΈπΈ PHOTO HIGHLIGHTS | Huling Araw ng Flores de Mayo 2026 πΈπΈ
Sa biyaya ng Diyos, matagumpay nating natapos ang pagdiriwang ng Flores de Mayo 2026 kasabay ng pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Banal na TrinidadβAma, Anak, at Espiritu Santo, iisang Diyos magpakailanman. πβ¨
Sa loob ng mga nagdaang araw, nasaksihan natin ang masiglang pakikiisa ng ating pamayanan sa pag-aalay ng mga bulaklak at panalangin kay Mahal na Birheng Maria. Ang bawat sandali ay naging pagpapahayag ng ating pananampalataya, debosyon, at pagmamahal sa ating Ina.
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng mga sponsors, ministries, volunteers, mga deboto, at sa buong sambayanan na naging bahagi ng matagumpay at makabuluhang pagdiriwang na ito. Ang inyong kabutihang-loob at pakikiisa ay naging daan upang higit pang mapalalim ang ating pananampalataya at pagkakaisa bilang isang Simbahan.
Nawa'y ang mga biyayang ating natanggap sa pagdiriwang na ito ay magbunga ng mas matatag na pananampalataya, higit na pagmamahalan, at patuloy na paglilingkod sa Diyos at kapwa.
πΉ Maraming salamat po at mabuhay ang debosyon kay Mahal na Birheng Maria! πΉ