22/08/2026
𝗦𝗔𝗔𝗡 𝗞𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗦𝗔, 𝗠𝗔𝗚𝗞𝗢𝗡𝗦𝗨𝗟𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗧𝗔𝗬𝗢! 🌏📣
𝙋𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙡𝙖𝙝𝙖𝙩 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙞𝙨𝙠𝙤𝙡𝙖𝙧 𝙣𝙖 𝙣𝙖𝙜𝙢𝙪𝙢𝙪𝙡𝙖 𝙨𝙖 𝙞𝙗𝙖’𝙩 𝙞𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙧𝙤𝙗𝙞𝙣𝙨𝙮𝙖 𝙖𝙩 𝙧𝙚𝙝𝙞𝙮𝙤𝙣!
Batid natin na magkakaiba ang ating pinanggagalingan at karanasan bilang mga estudyante. May mga lokal ng Los Baños, may mga umuuwi sa malalayong probinsya, at may mga nananatili sa campus lalo na tuwing panahon ng krisis dahil hindi basta-basta makakauwi.
Kung kayo ay may mga hinaing patungkol dito, sama-sama nating pag-usapan ang ating mga kalagayan, pangangailangan, at mga panawagan, ngayong 𝗶𝗸𝗮-𝟮𝟰 𝗻𝗴 𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼, 𝟰:𝟬𝟬 𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗽𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗦𝗨 𝗕𝘂𝗶𝗹𝗱𝗶𝗻𝗴.
Layunin nating marinig hindi lamang ang boses ng mga kasaping samahan ng Alliance for Varsitarian Organizations, bagkus pati na rin ang mga indibidwal mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Kaya kung ikaw ay nag-aaral sa UPLB, saan ka man nagmula, bahagi ka ng usapan! 🤝🏽
TARA, KONSULTAHAN TAYO!