03/08/2026
𝙎𝙪𝙢𝙖𝙢𝙖 𝙣𝙖 𝙠𝙖𝙮𝙤! 𝙅𝙤𝙞𝙣!
Inaanyayahan ang lahat na 𝗗𝗨𝗠𝗔𝗟𝗢 at 𝗠𝗔𝗚𝗣𝗔𝗗𝗔𝗟𝗢 para sa isusulong na 𝗙𝗶𝗿𝘀𝘁 𝗦𝗲𝗺 𝗥𝗮𝗴𝗲 bukas, 𝗶𝗸𝗮-𝟰 𝗻𝗴 𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼, 𝟮:𝟯𝟬 𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗽𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗛𝘂𝗺 𝗦𝘁𝗲𝗽𝘀.
Sa darating na panibagong semestre, higit na ramdam ang mas lumalalang krisis sa edukasyon at ang kawalan ng agaran at kongkretong tugon sa mga ito. Patuloy na pinapasan ng sangkaestudyantehan ang bigat ng kakulangan sa pasilidad at malikhaing espasyo, limitasyon sa badyet na nagbubunga ng pag-aagawan ng slots sa AMIS, kawalan ng suporta sa pag-aaral ng Social Sciences na repleksyon ng isinasagawang GE Reform at pagkaantala sa stipend para sa mga iskolar at pasahod sa mga manggagawa ng pamantasan, habang patuloy na nananaig ang korapsyon at ang kawalan ng pananagutan.
Bukod pa rito, patuloy na nagbubulag-bulagan ang administrasyon sa pangangailangan ng sambayanang Pilipino upang paglingkuran lamang ang kanilang pansariling interes at ng iba pang mga imperyalistang bansa. Malinaw itong makikita sa kanilang mga pahayag patungkol sa Pax Silica, at tunggaliang Marcos-Duterte na pareho namang nagpapahirap sa buhay ng sambayanang Pilipino.
Ang 𝗨𝗣𝗟𝗕 𝗪𝗿𝗶𝘁𝗲𝗿𝘀’ 𝗖𝗹𝘂𝗯 ay nakikiisa sa pagkilos upang kalampagin ang naghaharing-uri at magpanawagan tungo sa isang siyentipiko, makabayan, at makamasang edukasyon at sistemang lagi't laging naglilingkod sa masa.
📣 𝗶𝗸𝗮-𝟰 𝗻𝗴 𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼 𝟮𝟬𝟮𝟲, 𝟮:𝟯𝟬 𝗣𝗠, 𝗛𝘂𝗺 𝗦𝘁𝗲𝗽𝘀
🔻 𝗠𝗮𝗴𝘀𝘂𝗼𝘁 𝗻𝗴 𝗽𝘂𝗹𝗮