01/06/2025
Kung ang pagmamahal nga'y totoo,
bakit sayo'y hindi madama mula rito.
Kung ang lahat ay tungkol sa pag-ibig,
palagi nalang ba akong talo?
Puro hindi makatotohanang tagpo,
pahingi nang patawad ay inulit datapwat
kapos sa pagbabago.
Ang katanungang ngayo'y inukit na sa bato.
kailan ba mamahalin na mas mahal ako?
-Gel