Último Adiós

Último Adiós Malikot na utak, paganahin. Katotohanan ay palaganapin.

26/05/2026

Tumatakas na sa ilang taon na nakasanayan,
Pinipigil ang sarili at kinakalaban,
Mga bagay at gawain pilit ng tinitigilan,
Paunti-unting nakakaramdam ng kaginhawaan.

Mahirap ngunit pilit kinakaya,
Mga bagay na sa una lang masaya,
Sa sarili'y nagsilbing madaya,
Sana'y patuloy nang makalaya.

01/03/2026

Sa mga oras na ika'y may ginagawa,
Ginagawa ko namang oras para aralin ka,
Animo'y teoryang malalim ang paksa,
Bawat parte mo'y handang gawing tula.

Pasimpleng kinukuha mga impormasyon mong dala,
Parang walang pake, pero sobra talaga,
Ayaw malaman ng iba na gusto ka talaga,
Tinatago sa mga birong nakakatawa.

Natatakot sa magiging komento ng iba,
Tila'y sila ang binibigyang halaga,
Ngunit puso ko lang nangangamba,
Tanong sa isipan, "kaya mo ba akong isalba?"

Maghihintay pa rin? O tuluyang bibitaw na?

14/02/2026

Taon na ang lumipas ng huling kiligin,
Matatamis na salitang nakakapraning,
Mga pangakong hanggang huli iibigin,
Pangakong napako at hindi na uulitin.

Mga pusong kada Pebrero nagkikinangan,
Pagsisikap na mabilhan ng bulaklak ang kasintahan,
Pangakong sasamahan hanggang katapusan,
Mga katagang hanggang sa huli hindi ka iiwan.

Araw-araw na ipadarama sayo ang pagmamahal ko,
Tila hindi nagbabago ang buwan at palaging Pebrero,
Ayos na sa reaksyon na puso sa mensahe ko,
Tandaan mong ikaw lang ang gugustuhin at pipiliin hanggang dulo.

Maligayang araw ng mga Puso💖

24/01/2026

Pinupuntirya ang asintado,
Kala mo sila'y sementado,
Mapanghusgang mga tao,
Bibig parang tambutso.

Mala propeta kung magturo,
Isa rin namang makasalanang tao,
Minamata'y mulat sa kanto,
Nagmamasid na parang multo.

Sa utak may prinsipyo,
Hindi basta kakalabitin ang gatilyo,
Tahimik na dumederetso,
Walang pakialam sa ibang tao.

Address

Unknown
Ligao
4504

Telephone

+639271906603

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Último Adiós posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Establishment

Send a message to Último Adiós:

Shortcuts

Share

Category