20/01/2026
TINIG NG MISYON!
Ngayong 2026, ipinagdiriwang ng Diocese of Legazpi ang kanyang Diamond Jubilee — 75 taon ng biyaya, paglago, at paglilingkod bilang Kristiyano. At ang tema din ng Taon ay ang “Taon ng Misyon” o
Ito ay hindi lamang paggunita sa nakaraan, kundi isang panawagan na magpatuloy at magpalawak ng misyon — ang misyong ibahagi ang pananampalataya, paglingkuran ang kapwa, at buuin ang komunidad.
Sa loob ng higit 33 taon, ang Arimbay Youth Choir Family ay hindi lamang Nagtuon ng Panahon sa Pag aaral ng mga Awitin. Ibinahagi din namin ang aming sarili sa mga komunidad na aming Nakakasama. Nagdaan din sa mga taong iyon ang aming mga Kamyembro na Naging Bahagi ng aming misyon. Ipinapaabot namin ang taospusong Pasasalamat sa mga Nanatili, at sa nagbigay ng Panandaliang panahon.
Ika'nga Padayon! Patuloy na mahalin ang Musika. Magpatuloy sa Paglilingkod. Iyan ang aming Naging Misyon. Na ibinabahagi din namin sa inyo.