Aking mga Katha

Aking mga Katha Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Aking mga Katha, Poet, Daraga, Legazpi.

Mga natatagong Emosyon,Aking bibigyang direksyon
Handa akong isiwalat lahat,dahil ito'y karapat-dapat
Isang Binibini,na gusto lang magtimpi,
Sa mga emosyon nya at damdamin
Humanda ang lahat,dahil Tula kong ito'y sasabog lahat.

01/01/2024

Isang Manigong Bagong Taon para sa Lahat🎉🙏🏽💪

Crdts
04/08/2022

Crdts

Wala nang galit.
Dumadalaw pa naman ang mga alaala,
Ngunit hindi na gaanong masakit—
Ang mga ngiti ay wala na ring itinatagong pait.

Naghilom na nang kusa.
Gumaling ang mga pasa nang hindi gumamit ng iba.
Naubusan na rin siguro ng luha ang mata—
Nagising isang umaga, hindi na ikaw ang nakikita.

Ganito pala talaga.
Ang sugat sa puso ay naghahangad ding mapakinggan.
Nagnanais din itong maramdaman—
Hanggang sa tuluyang mawala.

Hindi ako nakalimot.
Naaalala pa naman kita ngunit hindi na katulad nang dati.
Hindi na ulit—
Hindi na babalik.

YT: https://youtube.com/channel/UCvSaJ07Cbzl2-rpub3wjDEw

IG: https://instagram.com/_tintalata_?utm_medium=copy_link

08/06/2022

Don't count the troubles, instead count the Blessings.....🥰

😇

Anupa't ang Pag-ibig ay parang kawikaanSayo at sa akin Iba't iba ang kahuluganMay Pag-ibig na BulagNa kahit paulit ulit ...
01/06/2022

Anupa't ang Pag-ibig ay parang kawikaan
Sayo at sa akin
Iba't iba ang kahulugan
May Pag-ibig na Bulag
Na kahit paulit ulit ka ng ginagawang tanga
Ikaw pa rin ay hindi nagsasawang magpaka tanga,
kahit alam mong pinapa ikot ka lang nya
Sa mga kasinungalingang meron sya
May Pag-ibig din,na alam mong malabo na
Pero ayaw mo pa ring kalimutan sya dahil
Pinipilit mo pa ring magtatagal kayo,kahit alam mong di na pwede,at nakakapagod at nakakasawa na
Minsan may Pag-ibig din na ,gaano man kamahal nyo ang isa't isa'y ,tuluyan pa ring maglalaho ang pagmamahalan ninyong dalawa
Wala man may gusto nito
Ngunit tadhana lang ang makapagsasabi,kung kayo ba talaga ang karapat-dapat sa isa't isa
Ngunit laging isipin
Na ang taong marunong umibig at magmahal
Nagpaparaya at Nagpapaubaya
Ay ang taong laging nagkakamit na gantimpala at biyaya
Dahil ang Pag-ibig,simula't sapul
Ay marunong maghintay at umunawa💗🥰



&anger


Credits
16/05/2022

Credits

Malayo pa,
Pero papunta na.
Umuusad kahit papaano—
Kinakaya ang bawat hamon ng mundo.

Malayo pa,
Pero nasa proseso na.
Dahan-dahang nabubuo—
Patungo sa mas mabuting bersyon ang pagkatao.

Malayo pa,
Pero natututo na.
Unti-unti nang nakukuha ang tamang tiyempo—
Ang pahinga at pansamantalang paghinto.

Malayo pa,
Pero may narating na,
Nang hindi ikinukumpara ang sarili sa iba—
Dahil ang buhay ay hindi naman isang karera.

YT: https://youtube.com/channel/UCvSaJ07Cbzl2-rpub3wjDEw

IG: https://instagram.com/_tintalata_?utm_medium=copy_link

Credits🥰
09/05/2022

Credits🥰

Kahit gaano pa kahirap ang iparanas sa'yo ng mundo.
Huwag mong hayaang baguhin nito ang iyong pananaw.
Mas pagtuunan mo na lang ng pansin ang mga positibong nangyari sa'yo—
Kaysa magpaalipin sa mga negatibong bagay na hindi mo rin naman mababago.

Kahit gaano pa kasakit ang iparanas sa'yo ng tao.
Huwag mong hayaang manahan nang matagal sa'yong pagkatao ang paghihiganti at galit.
Kahit mahirap, kahit hindi madali, piliin mo pa ring magpatawad—
Sapagkat mas nabibigyan nito ng kalayaan ang iyong puso, ang iyong sarili.

Kahit gaano pa kasama ang pagtrato sa'yo ng iba.
Ituring mo pa rin sila nang may kababaang-loob,
Nang may pang-unawa—
Sa ganitong paraan mas pinahahalagahan mo ang kapanatagan ng iyong puso't isip.

Sa dinami-rami ng mga hindi magandang pangyayari.
Piliin mo pa rin ang maging mabuti.
Walang bayad—
Pero may sukli.

YT: https://youtube.com/channel/UCvSaJ07Cbzl2-rpub3wjDEw

IG: https://instagram.com/_tintalata_?utm_medium=copy_link

She's the one,whom i considered as a treasureThe one who always there to support me ,anytime,anywhereThe person who is h...
08/05/2022

She's the one,whom i considered as a treasure
The one who always there to support me ,anytime,anywhere
The person who is hefty and strong
To face all the challenges
That sometimes we may encounter
And beacause of her ,
We are so very thankful
The person who always lifts,to me and to our Family
In times of problems and troubles
And shes the one,always ready to face it all
For good times and bad,she's always had a problem solution
We salute her,for such a great and being wonderful
No one could ever ask,if who is she,
Because she's my one and only Mommy🥰😘

Happy Mothers day to all the Mother's out there,,,,💪🥰

Sa bawat araw na lumilipas Ako itong pinipilit ibalikLahat ng mga orasMga alaala,at nakaraanNating dalawa,O aking MahalN...
07/05/2022

Sa bawat araw na lumilipas
Ako itong pinipilit ibalik
Lahat ng mga oras
Mga alaala,at nakaraan
Nating dalawa,O aking Mahal
Nagbabakasakali na ika'y muling masilayan
Sa bawat oras,minuto at mga araw na nagdaan
Tagatak ng mga luha
Sa mga oras na ika'y naiisip
At kirot sa puso ang aking nararamdaman,tuwing ika'y aking inaalala,ngunit di man lang makausap at masulyapan
Gusto kong hawakan,iyong mga kamay
Yakapin ka't halikan ,kahit saglit man lamang
Ipadama sayo,na ika' y aking labis na Mahal
Ipaalala sayo na nandito lang ako
Katuwang mo sa lahat ng bagay
O sa bawat pagkakatao't maging sa Buhay

Ngunit ano ba ito,bakit ika'y lagi ng nakatatak
Sa puso,sa isip,at panaginip
Marahil siguro,Pagmamahalan natin ay may saysay
Ngunit ito'y iyong agad na winakasan
Minadali ating pagmamahalan
Di ko man lang alam ,san ba ako nagkulang?
Siguro nga marahil sa bago mong sinisinta
Na mas mahal mo kaysa Una
Alam kong ako'y may karupokan
Ngunit kinakaya ko lahat ng pasanin sa Buhay
Kahit minsan nga'y ako itong nahihirapa't Bigo,at laging luhaan
Ngunit ang lahat ng ito'y
Sinisimplehan ko lamang
Sapagkat ako'y tao lang din
Mapagparaya sa lahat ng Bagay

Aking sinisinta noon,salamat sa lahat ng alaala
Hanggang sa muli nating pagkikita
Ninanais na ika'y maka-usap
Kahit sa sandaling minuto lang
Ngunit tadhana'y mapait,ayaw tayong pagtagpuin
Nang ating masilayan,mga sarili natin
Kung Sino ba ang talagang masaya
Ako na literal na may kagalakan sa piling ng lahat ng mga Mahal ko sa Buhay....
O ikaw na masaya,ngunit nagbabalat-kayo lamang??

Simula sa araw na to,alam kong kapwa tayo'y may sari-sarili ng desisyon
Sa ating mga sarili't tatahaking ambisyon
Nawa'y maging masaya ka sana,saan kaman pumaroon
Pagkat ako naman itong laging bigo
Nagsisimulang muli sa Panibagong bersyon,Ng aking sarili,na masisilayan, hindi na ang Dati
Aking sinisinta noon
Salamat sa mga sandaling alaala
Mahal pa rin kita,ngunit.....
Malaya kana........

27/04/2022

💪🥰

27/04/2022

25/04/2022

Address

Daraga
Legazpi

Telephone

+639519346801

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Aking mga Katha posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category