19/08/2019
Ito ang RESULTA ng:
1. Pag-compose ni ate Primy ng isang English Version para i-entry sa 40th Anniversary sa loob ng kanilang banyo habang naulan ng malakas...
2. Isang oras para itranslate at lapatan ni Tolits ng musika sa tagalog...
3. 30 mins na kalbaryo nila Jonathan at Joseph sa mabilisang paglalapat ng chords, voicings at revisions kahit sobrang gutom, hilo at pagod ang katawan at utak sa trabaho at mga tugtog...
4. 2 oras na recording sa 5th Element...
5. At ilang gabing hiwalay na practice ng MBG at SAGIP...
***
SALAMAT, INANG MARIA IMMACULADA
Titik:
Primy I. Quidato
Sem. Tolits G. Sindayen
Musika at Areglo:
Jonathan M. Marquez
Joseph John E. Mar
Performed by:
SAGIP Choir
MBG Choir
Conductor:
Jonathan M. Marquez
____
I.
Noon at ngayon
ikaw ang aming gabay
ang lakas namin sa hirap at ginhawa
II.
Noon at ngayon
ikaw ang aming gabay
ang pag-ibig mo ay aming lakas
III.
Ngayon kami'y natipon bilang isa
umaawit sa'yong walang humpay
Salamat sa apatnapung taong pag-gabay
SALAMAT MARIA!
KORO:
Inang Maria Immaculada: Ina ng Diyos, Ina ng Sanlibutan
Inang Maria Immaculada: Reyna ng aming puso
Gabayan mo kami
O ikaw na nagmamahal
ikaw na kumikilala
ikaw na nagbibigay-lakas sa kabataan!
Bridge:
Ang aming panalangin
O Diyos iyong gamitin
kabataa'y iyong suguin
kabanalan ni Maria'y taglayin. (KORO)
****
EXPLANATION:
1. Ang unang verse ay pinapakita ang pag-gabay ni Inang Maria sa lahat ng oras at pagkakataon, sa hirap man o ginhawa... Mula nung itinayo, nasunog, at ngayon...
2. Ang pangalawang verse ay pinapakita ang pag-gabay ni Maria isang mapagmahal na ina..
3. Ang Pangatlong verse ay nagpapakita ng spiritualidad ng Focolare... (pagiging ISA)
4. Ang Pangatlo rin ay nagpapakita ng walang hanggang pagpapasalamat natin kay Inang Maria Immaculada sa 40 years nyang pag gabay sa ating parokya.
5. Ang KORO naman ay ipinapakilala si Inang Maria bilang ina ng Diyos at ng lahat...
6. Ipinapakilala din ng KORO si Maria bilang Reyna ng puso natin... Ang pagiging REYNA ni MARIA ay MAHALAGA dahil ang petsa ng pagdiriwang ng annibersaryo ng ating parokya ay August 22... katapat ng Memorial ng Queenship of the Blessed Virgin Mary.
7. Ang KORO din ay humihiling ng pag-gabay mula kay Maria na siyang Nagmamahal, Kumikilala, Nagbibigay-lakas sa kabataan.
8. Ang BRIDGE ay nagpapakita ng aming kahilingan na nawa'y gawing instrumento ng DIYOS ang KABATAAN para maging tulad ni MARIA, sila ay maging BANAL.
***
(Copyrighted Work!)
Video : ate Rose...
Ito ay patunay na kahit magkakaiba kami, nagiging isa parin!