03/06/2026
Maagang namulat sa mundong hindi patas para sa lahat kung saan hindi pare pareho ang laban, at hindi rin pantay ang pagkakataon. May mga taong swerte sa umpisa, may iba na kailangang magsimula sa wala, pilit bumabangon kahit ilang beses nang nadapa.
Doon ko natutunan na hindi pala palaging basehan ang sipag lang, kasi minsan kahit anong gawin mo, may mga bagay na hindi mo kontrolado. Pero sa kabila ng lahat, natutunan ko ring huwag sumuko. Kasi kahit hindi patas ang mundo, hindi ibig sabihin titigil ka na lang.
May sarili kang oras, sariling laban, at sariling paraan para umasenso. Hindi man agad makita ang resulta, darating din yung araw na maiintindihan mo kung bakit kailangan mong magtiis, lumaban, at magpatuloy-kahit walang kasiguraduhan, kahit hindi pabor sa'yo ang simula