25/04/2026
Isa sa pinakamahirap na bahagi ng paglikha ng pelikula, bukod sa pagsusulat ng kuwentong may puso, ay ang paghahanap ng sapat na suporta upang ito’y mabuo at maihatid sa mga manonood.
Isang kwentong hindi lamang mapapanood, kundi mararamdaman. Yung kayang kumurot sa dibdib at gumising sa isip sa katotohanang nais ipabatid ng manunulat at direktor.
Hindi madali, at hindi kailanman naging madali.
Gustuhin man naming tapusin ang kwento, hindi maikakaila na sa ngayon ay kapos sa pinansyal na kakayahan ang Sinemi Ditoy Productions upang ganap itong maisakatuparan.
Kaya naman, buong paggalang kaming kumakatok sa inyong mga puso upang maging bahagi ng paghubog at pagtatapos ng pelikulang ito.
Ang DENOUEMENT ay isang narrative film tungkol sa pag-uwi ng isang anak matapos ang pagpanaw ng kanyang ama. Sa kanyang pagbabalik, hinaharap niya hindi lang ang katahimikan ng tahanan kundi ang mga alaala at katotohanang unti-unting natutuklasan, hanggang sa ang pagluluksa ay maging pag-unawa, at ang pagkawala ay maging pagpapalaya.
Samahan niyo kaming tapusin ang Denouement ng Sinemi Ditoy Productions.
Isang kwentong hindi lang natatapos sa alaala, kundi tumatagos sa puso!