Go Cotabato Province

Go Cotabato Province Everything and anything Cotabato Province!

Happy naka Doc? last term na ni nimu ha.
12/05/2026

Happy naka Doc? last term na ni nimu ha.

Kilalanin ang 55 miyembro ng House Justice Panel na bumoto pabor sa impeachment laban kay VP Sara kasama sina 3rd Distri...
05/05/2026

Kilalanin ang 55 miyembro ng House Justice Panel na bumoto pabor sa impeachment laban kay VP Sara kasama sina 3rd District Representative Alana Samantha Taliño-Santos ng Cotabato at TUCP Partylist Representative Raymond Mendoza.

01/05/2026

TRUCK NA KARGADO NG TUBO, SUMALPO SA POSTE NG KURYENTE SA MATALAM; ILANG INDIBIDWAL, NAIPIT

MATALAM, COTABATO — Naging kritikal ang sitwasyon sa National Highway, Barangay Manubuan, matapos sumalpok ang isang Isuzu cargo truck na kargado ng tubo sa poste ng kuryente sa tapat ng isang bahay nitong Biyernes ng hapon, Mayo 1.

Batay sa inisyal na ulat, nawalan umano ng preno ang drayber ng truck dahilan upang mawalan ito ng kontrol at bumangga, na nagresulta sa pagkabali ng poste ng kuryente sa lugar.

Ayon sa mga nakasaksi, may ilang indibidwal ang natabunan ng mga nagbagsakang tubo, kabilang umano ang isang bata na kasalukuyang kinukumpirma pa ang kalagayan.

Agad namang nagtulong-tulong ang mga residente at concerned citizens upang alisin ang mga tubo at mailigtas ang mga naipit habang hinihintay ang pagdating ng mga rumespondeng awtoridad.

Rumesponde na ang mga tauhan ng Philippine National Police Matalam at Cotabato PDRRMO upang pangunahan ang rescue operations.

Patuloy pa ang clearing operations sa lugar upang matiyak kung may iba pang nadamay sa insidente, habang hinihintay ang opisyal na ulat hinggil sa bilang ng mga nasugatan.

Pinapayuhan naman ang mga motorista na mag-ingat sa pagdaan sa naturang bahagi ng kalsada dahil sa mga nakahambalang na debris at panganib mula sa nabaling poste ng kuryente.

Video Courtesy: Kiven Balboa Llorica

PAGTATURN-OVER NG 377 HOUSING UNITS PARA SA MGA BIKTIMA NG LINDOL SA TULUNAN, IPINAGKALOOB NG NHATULUNAN, COTABATO — Por...
17/04/2026

PAGTATURN-OVER NG 377 HOUSING UNITS PARA SA MGA BIKTIMA NG LINDOL SA TULUNAN, IPINAGKALOOB NG NHA

TULUNAN, COTABATO — Pormal na ipinagkaloob sa 377 pamilya ang mga bagong housing units mula sa National Housing Authority (NHA) para sa mga pamilyang naapektuhan ng lindol sa Mindanao noong 2019.

Isinagawa ang seremonya sa Barangay Magbok, Tulunan, Cotabato noong Abril 14, 2026.

Ang mga naipamahaging yunit ay itinayo sa apat na barangay sa loob ng Tulunan: New Caridad (52 units), Paraiso (140 units), Batang (63 units), at Magbok (122 units).

Kasabay ng turnover ay ang pamamahagi ng Certificate of Award sa mga benepisyaryo bilang patunay ng kanilang pagmamay-ari sa mga bagong tahanan.

Pinangunahan ang aktibidad ng mga kinatawan ng National Housing Authority, kabilang sina NHA General Manager Joeben A. Tai, NHA Region XII Manager Engr. Zenaida M. Cabiles, at Kidapawan District Manager Joel R. Reintar.

Ang proyekto ay isinagawa sa ilalim ng Housing Assistance Program for Calamity Victims (HAPCV) ng NHA bilang bahagi ng patuloy na rehabilitasyon para sa mga naapektuhang pamilya.

DRIVER NA NATAGPUANG WALA NANG BUHAY, IHINATID SA LIBING SA NORTH COTABATOMAKILALA, NORTH COTABATO — Emosyonal ang nagin...
17/04/2026

DRIVER NA NATAGPUANG WALA NANG BUHAY, IHINATID SA LIBING SA NORTH COTABATO

MAKILALA, NORTH COTABATO — Emosyonal ang naging hatid sa huling hantungan sa yumaong driver na si Francisco Pascua Cadenas matapos siyang ihatid sa kanyang libing nitong Huwebes, Abril 16, 2026.

Si Cadenas, 42-anyos at driver ng L300 van na may plakang LAL5619, ay natagpuang wala nang buhay sa loob ng kanyang sasakyan noong Abril 13, 2026 sa Sitio Datal Lanao, Barangay Tananzang, Lutayan, Sultan Kudarat.

Sa Makilala, North Cotabato dinala ang kanyang labi kung saan nagtipon ang kanyang asawa, tatlong anak, at buong pamilya sa gitna ng matinding pagdadalamhati at panawagan ng hustisya.

Ayon sa mga kaanak, nananatiling mabigat ang kanilang kalooban sa hindi pa rin malinaw na dahilan ng pagkamatay ng biktima, habang patuloy ang kanilang pag-asa na mabibigyan ng linaw ang insidente.

Sa kasalukuyan, wala pang malinaw na pagkakakilanlan sa mga posibleng salarin at motibo sa krimen habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

BARANGAY ANIMAL HEALTH PROVIDERS TRAINING, PINALAKAS NG OPVETMATALAM, COTABATO — Matagumpay na nagtapos ang dalawang ara...
17/04/2026

BARANGAY ANIMAL HEALTH PROVIDERS TRAINING, PINALAKAS NG OPVET

MATALAM, COTABATO — Matagumpay na nagtapos ang dalawang araw na Barangay Animal Health Providers (BAHP) Training na isinagawa ng Office of the Provincial Veterinarian (OPVet) sa bayan ng Matalam.

Tinalakay sa pagsasanay ang mga paksang ETHNO-VET, silage making, swine management at biosecurity protocols, gayundin ang kampanya kontra rabies na nakatuon sa kaligtasan ng mga alagang hayop at ng komunidad.

Ayon sa mga tagapag-organisa, layunin ng programa na palakasin ang kakayahan ng mga barangay animal health providers bilang suporta sa adbokasiya ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza para sa mas maayos na pangangalaga sa livestock at proteksyon ng kabuhayan ng mga mamamayan.

Bahagi rin ng aktibidad ang practicum kung saan isinabuhay ng mga kalahok ang kanilang natutunan upang mas mapalalim ang kanilang kasanayan sa aktwal na sitwasyon sa kani-kanilang barangay.

Dumalo rin sa programa si PGO-Technical Assistant Dr. Gary Dondonayos.

PUTUKAN SA MATALAM, NAGDULOT NG TAKOT SA MGA RESIDENTE; AWAY SA LUPA, SINISILIP NA SANHIMATALAM, COTABATO — Nagdulot ng ...
15/04/2026

PUTUKAN SA MATALAM, NAGDULOT NG TAKOT SA MGA RESIDENTE; AWAY SA LUPA, SINISILIP NA SANHI

MATALAM, COTABATO — Nagdulot ng matinding pangamba sa mga residente ang sumiklab na putukan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at isang armadong grupo sa ilang bahagi ng Matalam, North Cotabato ngayong umaga ng Abril 15, 2026.

Ayon sa ulat, nagsimula ang insidente bandang alas-6:00 ng umaga sa Sitio Condring, Barangay Marbel, matapos umanong magpaputok ang armadong grupo sa lupang kanilang inaangkin.

Agad na rumesponde ang mga sundalo ng Philippine Army sa ilalim ng 40th Infantry Battalion, na nagresulta sa habulan at palitan ng putok.

Lumawak pa ang bakbakan hanggang sa Purok 4 ng Barangay Kabulacan, na nagdulot ng takot at pag-aalala sa mga residente sa mga apektadong lugar.

Sa kasalukuyan, wala pang opisyal na ulat ng nasawi o nasugatan habang patuloy na mino-monitor ng Philippine National Police at militar ang sitwasyon.

Samantala, nakikipag-ugnayan na rin ang ceasefire mechanisms ng Moro Islamic Liberation Front–AHJAG upang maiwasan ang paglala ng tensyon.

14/04/2026

SUMALPO ANG TRAILER TRUCK SA CENTER ISLAND SA MAKILALA; MGA STREET LIGHT, NASIRA

MAKILALA, COTABATO — Sumalpok ang isang trailer truck sa bagong gawang center island at nasira ang ilang street lights sa National Highway sa Barangay Malasila nitong gabi ng Abril 14, 2026.

Batay sa paunang impormasyon, tuluy-tuloy na inararo ng truck ang mga poste ng ilaw matapos mawalan ng kontrol habang binabaybay ang nasabing kalsada.

Agad namang rumesponde ang mga opisyal ng barangay sa pangunguna ni Barangay Chairman Jeckery Pontesor, kasama ang mga miyembro ng BPAT, upang tiyakin ang kalagayan ng driver at alamin kung may iba pang naapektuhan sa insidente.

Sa kasalukuyan, wala pang ulat kung may nasugatan, habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng aksidente.

13/04/2026

BUY-BUST OPERATION SA KIDAPAWAN, NAUWI SA PAGKAKAARESTO NG ISANG RECIDIVIST

KIDAPAWAN CITY, Cotabato — Timbog sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya ang isang lalaki matapos umanong magbenta ng hinihinalang ilegal na droga sa isang operatibang nagpanggap na buyer nitong Lunes ng gabi, Abril 13.

Kinilala ang suspek na si Jonathan Patal Acupan, 36 anyos, residente ng Villamarso Street, Poblacion, Kidapawan City.

Isinagawa ng mga operatiba ng Kidapawan City Police ang entrapment operation bandang alas-6 ng gabi sa Purok 2, Barangay Lanao, kung saan nakipagkita ang suspek sa poseur buyer. Dito na isinagawa ang transaksyon na nagresulta sa kanyang agarang pagkakaaresto.

Nakumpiska mula sa suspek ang anim na sachet ng hinihinalang shabu na sasailalim pa sa pagsusuri ng mga awtoridad.

Lumabas sa imbestigasyon na dati nang naaresto si Acupan kaugnay ng iligal na droga ngunit nakalaya sa pamamagitan ng plea bargaining agreement. Itinuturing din itong recidivist o paulit-ulit na sangkot sa kaparehong kaso.

Nabatid din na may kaugnayan ang suspek sa mga naunang naaresto na indibidwal, kabilang ang magkapatid na Abuan, na nasangkot din sa ilegal na droga matapos ang implementasyon ng search warrant ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Kidapawan City Police ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

MANHUNT OPERATION ILUNSAD MATAPOS ANG MADUGONG HOLD-UP SA TULUNANTULUNAN, Cotabato — Nagpatupad ng malawakang manhunt op...
13/04/2026

MANHUNT OPERATION ILUNSAD MATAPOS ANG MADUGONG HOLD-UP SA TULUNAN

TULUNAN, Cotabato — Nagpatupad ng malawakang manhunt operation ang mga awtoridad kasunod ng isang madugong insidente ng panghohold-up na naganap sa Barangay New Caridad nitong gabi ng Abril 13, 2026.

Pinaghahanap ng Tulunan Municipal Police Station at Mlang Municipal Police Station ang dalawang suspek na sangkot sa krimen na sakay ng isang itim na Bajaj na motorsiklo.

Batay sa mga ulat ng saksi, dalawang indibidwal ang responsable sa insidente, kung saan isa sa mga ito ay babae. Sa pinakahuling impormasyon, iniulat na sugatan o “wounded” ang isa sa mga suspek matapos ang pangyayari.

Huling namataan ang mga suspek na tumatakas patungong Bitoan at dumaan sa Banayal, na may posibilidad na nagtungo sa bahagi ng Palma Perez sa bayan ng Mlang.

Dahil sa insidente, agad na inatasan ang pag-activate ng mga Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) posts sa mga estratehikong lugar upang higpitan ang seguridad at matukoy ang kinaroroonan ng mga suspek.

Naglabas din ng babala ang mga awtoridad sa mga residente, partikular sa mga nasa boundary ng Barangay New Caridad at Palma Perez, na mag-ingat at maging mapagmatyag.

Address

Kidapawan City
Kidapawan
9400

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Go Cotabato Province posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share