11/10/2026
Letβs keep The Playroom free from illegal gambling and other unlawful activities. We stand for responsible entertainment, fair play, and a safe, welcoming environment for everyone. π±
Play fair. Play responsibly. Keep The Playroom clean.π«Άβ€οΈβ£οΈπ₯°
Sa joint anti-illegal gambling operation ng Aklan Provincial Intelligence Unit, 1st Aklan Provincial Mobile Force Company at Kalibo PNP, nadakip mag-aalas 11 kagabi, Oktubre 10 ang mga suspek sa N.Roldan St., Poblacion, Kalibo na nahuli sa aktong naglalaro ng bilyar na may pustang pera at walang kaukulang permiso.
Base sa report, tatlo sa mga ito ang sinasabing bettor o mananaya, dalawa ang nagsisilbing umpire o referre, at dalawa ang literal na player o manlalaro, lahat sa legal na edad.
Ilan din sa mga ito ang taga Kalibo, Numancia, Dumangas at Lapaz, Iloilo, maging taga Pasig City na kasalukuyang residente ng Oyotorong St., Poblacion, Kalibo.
Kasunod nito, kinumpiska ng mga pulis ang ginamit nilang billiard table, billiard balls, sticks at kabuuang P3,000 na bet money o perang pamusta sa nasabing sugal. Kaagad na inimbertaryo sa lugar ang mga ebidensya.
Mahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o Anti-Illegal Gambling Laws ang mga suspek.
Mga Kasimanwa! Follow us on Instagram and Tiktok:
https://www.instagram.com/kasimanwako/
https://www.tiktok.com/