Buhayin muli ang tula

Buhayin muli ang tula Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Buhayin muli ang tula, Poet, Kayaga kabacan north cotabato, Kabacan.

30/12/2023
14/04/2023

Title :
Nagmahal ng patago
Request by :
Mary Joy Noya

Sa tuwing ika'y nasisilayan
Ngiting pangkalawakan,
Sa tuwing pinagmamasdan kita
Mundo ko'y nagbago,
Sa tuwing nagkakatinginan tayo
Puso'y parang sumabog sa lakas ng tibok

Gusto kitang lapitan
Para tanongin ka
Gusto kita makausap
Para maligawan kita
Gusto kong kahawak kamay kita
Kase kahit saan tayo magpunta kasama ka
Gusto kita mayakap
Para masabi ko mahal kita

Lahat ng yun gusto ko,
Pero may pag asa ba ako sayo
O baka hanggang tingin lang ako
Ngayon tatanongin kita mahal ?
Ako'y umiibig sayo ng pa sikreto
Dahil baka dimo ako magustohan
Minahal kita ng patago.

Ayukong masabe mo sa bibig mo,
Kaibigan lang turing ko sayo
Pero para malaman mo
Ikaw lang kaibigan ko
Na pumapag ibig sayo,
Di kita ipagpapalit
Nangako ako sa sarili
Na magiging ka ibigan din kita
Mag hihintay ako sa ano mang panahon,
Ikaw lang nais ko sinta
Kahit nagmamahal ng patago.

RINDEL✍🏻

12/04/2023

Title:
Masarap magmahal ang isang g**o

Ako ay isang estudyante
Ang palad ay napakagaspang
Sa bawat guhit ko ng letra at simbolo,
Gawa ito ng mga g**o
Gamit ang nag-iisa kong pluma,
Sa aking kwaderno,
Nagkalat ang bawat pumaikot na simbolo
Noon galit ako sa aking g**o,
Paboritismo ang kanyang istilo
Aking sinigawan,
Wala kang kwentang magturo
Nag-iba ang lahat ng kina-usap ako
Naiintindihan ko na lahat,
Kung bakit ganoon
Nag-aral ka hindi para magmagaling
Bagkus ay para matuto
Kaya nandito ako para magbahagi ng aral
Simula noon minahal ko ang aking g**o
Inabot ang palad kong napakagaspang
Mahalin ang g**o,
Ituturo ang hindi mo pa alam
At ibabahagi niya ang kanyang nalalaman
Sumulat ka sa munti kong kwaderno
Mga aral na turo mo,
Mahalin ang g**o,
Ituturo niya ang tamang landas,
Bibigyan ka ng lakas;
Sa bukas na puno ng hamon ng buhay
G**o pala ang siyang magpapatibay,
Dala ang naisulat sa kwaderno,
Mga paksang naituro
Heto ako,
Heto ang takda ng palad na magaspang
Ang maayos na pamumuhay
Na puno ng kaalaman sa buhay,
Diko alam kung bakit ako nagiging emotional ngayon
Ang alam ko lang dahil wala na siya
Wala na yung g**ong magsasabi samin ng bulingiten at bulaw
Salamat sa mga araw, buwan at taon na nakasama ka namin
Salamat dahil lahat ng nalalaman mo binahagi mo sa aming mga estudyante mo
Alam kung ika'y mabait at mabuting g**o
Napakatalino pa,
Sorrry kung minsan makulit at Matitigas ulo namin dahil di kami nakikinig sayo
Gusto pa namin makasama ka ng matagal na pahanon
Pero iniwan mo kami
Sana masaya kana sa susunod mong lalakbayin
At laging mong tandaan lahat ng memories na iniwan mo samin
Di namin yun makakalimutan
Kaya maraming maraming salamat aming mahal na g**o

RINDEL✍🏻

Imisssyouuuuu maam Aiza Ali Vertical

12/04/2023

"Mga Kabanata Ng Ating Pagmamahalan"

L- unes noon una tayo'y nagkakilala,
I- mbes na magpakilala ako'y natameme
sa 'yong ganda,
K- inikilig na nagliparan mga paru-paro
sa'king sikmura.
E- spasyo ng puso ko'y napunan mo, walang duda
-
H- indi na ako nagpatumpik-tumpik pa,
E- spesyal na pagtingin, sayo'y inamin na.
A- ko'y iyong sinagot agad ng di inaakala,
R- elasyon ang masayang nagsimula sa'ting dalawa,
T- unay ngang mahal natin ang isa't-isa.
-
H - agalpak at tawanan ang ating pinagsaluhan,
A- ng bawat sandali'y puno ng kasiyahan,
H- atid mo sa aking buhay, ligayang walang hanggan.
A- minadong ako'y nahulog na sayo ng tuluyan.
-
W- alang oras na di mo ako napapahanga,
O- ras ng nagdaan, punong-puno ng sorpresa,
W- aring bawat araw may panggulat na nakaamba.
-
S- a paglipas ng taon, dumating ang problema,
A- ng akalang magtatagal, isa palang maling akala,
D- ahil ako'y iniwan mo, mag-isang lumuluha.
-
A- ng galit ay nasimulang itanim sa'king puso,
N- aiinis sa sarili, dahil ikaw pa rin ang gusto
G- igil ay ramdam habang sinusulat ko ito.
R- igodon sa'king dibdib ay di mahinto,
Y- amot na napagtanto, kailangan ko ng tapusin to

RINDEL✍🏻

11/04/2023

Title:
Manluluko ka pala aking mahal
Request by : Angeline Taloza

Sa dami ng babae mo mahal
Dina mabilang,
Sa dami ng niluko mo mahal
Ako'y kasali na rin doon
Sana dina lang kita nakilala
Sa dami ng iyong minahal
Sana dina lang kita minahal
Sa dami ng iyong niluko
Sana naglukohan nalang tayo
Para maramdam mo yung sakit na pinaramdam mo
Hindi kana nakuntento sakin mahal
Hindi pa ba ako sapat,
Para ako'y lukohin mo
Hindi lang isa,
Hindi lang dalawa,
Akala ko dimo na gagawin ulit
Isa, dalawa kinaya ko pa lahat ng yun
Kase ayukong mawala ka sakin
Pero dilang pala isa, dalawa yung panluluko mo
Ginawa mong laro yung panluluko mo sakin
Dahil akala mo madali lang magpatawad
Akala mo sa pangatlong pagkakataon na yun
May himala na kaya pa kitang patawarin
Malabo na,
Sing labo ng pakikipaglaro mo
Pero salamat sa pagmamahal na binigay mo
Salamat sa salitang mahal na mahal kita
Kahit na meron ka ng iba
Mahirap tanggapin pero nagawa mo na
Ka*o ayos lang,
Ayos lang sakin na wala ka na sa piling ko.

07/04/2023

Title :
Araw at Buwan
Request by : Jon Doloeras

Ako yung araw
Ika'y buwan
Ako ang iyong araw
Na liliwanag sa buhay mo
Araw na palaging naging sandalan mo
Araw na ano man yung selos at away
Araw na kailanman di tayo maghihiwalay
Araw na palagi kitang susuyoin at lalambingin
Kase ikaw yung buwan
Na kahit dumidilim yung paningin mo
Sa ano mang problema at hirap
Lagi akong nandito para sayo
Lagi kita dadamayan aking iniibig
Dahil ano man ang buwan
Na mangyayari hindi didilim ang ating relasyon
Lagi makulay ang pag ibig ko sayo
Tulad ng araw na maliwanag
Kumikislap, kumikindat,
Yung mga bituin sa langit
Dahil ako yung araw na bubuhay sayo
At ika'y buwan na kahit gaano pa kadilim
Liliwanag parin dahil sa aking kulay
Umaga na pala.

07/04/2023

Title :
Matalik na Kaibigan
Request by : Cyrine Morong

Aking matalik na kaibigan
Na tinuri kong kapatid
Simula ng ika'y makilala
Parang dina tayo magkahiwalay
Kong saan ka naroon din ako,
Dahil para tayong pusa't a*o kong maglambingan.

Aking matalik na kaibigan
Mas mahal pa kita keysa sarili ko
Habang tumatagal ang ating pagkakaibigan
Bakit ikaw ay lumisan,
Ngunit ngayon ay nangangailangan ako ng tulong mo

Aking matalik na kaibigan
Naging sandalan at damayan
Sa ano mang problema
Sa tawanan man o kabaliwan,
Sa hirap man o kalungkotan,

Aking matalik na kaibigan
Hanggang dito nalang
Dahil ikaw ay lumisan na.

05/04/2023

Request spoken poetry title

05/04/2023

Please follow, like and share my page
Thankyou😊🤎

Address

Kayaga Kabacan North Cotabato
Kabacan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Buhayin muli ang tula posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category