06/02/2026
At kung sakaling maglaho ang lahat ng liwanag,
At ang daigdig ay mapagod sa sariling hagod;
Sa katahimika’y ikaw pa rin ang aking tawag,
Pag-ibig na hindi kailanman matitinag o mauubos.
Kapag ang mga salita’y tuluyang manghina,
At ang panahon ay magsarado ng landas;
Ikaw ang tanging awit na mananatili pa,
Sa pusong marunong magmahal hanggang wakas.