05/09/2024
Mahiya ka sa tuwing sinasabi mo sa iba ang problema ng ibang tao.
Siguro nga'y sana'y ako na mas tangkilikin ang aking nakasanayan kaysa mag bukas o aralin ang mga panibagong bagay.
Siguro ay mas gusto kong gawin ang nais at interesado ako kaysa sa mga gawing kailangang mas tuunan ng pansin.
Siguro ay ayos lang sa akin na mag kulang sa isang leksiyon na nararapat na mas alam ko.
Siguro ay tinatamad nga lang ako,
o dahil hindi ko pinipilit ang aking sarili sa mga bagay na gusto niyong malaman ko.
Ngunit batid kong nararapat ako ng ikalawang pagkakataon, at hindi ako nararapat na maliitin dahil lang hindi ako marunong. Lalo na't mas nararapat ako ng kapatawaran sa mga taong nagsabi, nagpakalat, sa mga taong ayaw kong pagsabihan ng aking mga pagkakamali; aking magulang.
Kung sa siguro nga ay may konting porsyento ng pagbabago, bakit hindi mo ako pagbigyan at tingnan aking aking pagkatuto?
O kung 'di man ay tangkilikin ang mga bagay na magaling ako, kaysa pahiyain ako sa mga bagay na alam kong hindi ko alam, at 'di ko itinatago?
-kilometro