Dakilang Mananampalataya

Dakilang Mananampalataya Magbibigay inspirasypn sa mga tao sa pamamagitan ng mga tula

ArawIsang salita pero maraming kahuluganMaaaring literal,maaaring ang pagsilang At paglubog ng araw.Sa bawat takbo ng bu...
28/05/2025

Araw

Isang salita pero maraming kahulugan
Maaaring literal,maaaring ang pagsilang
At paglubog ng araw.
Sa bawat takbo ng buhay ay may kaukulang pagsubok O tagumpay
Sa bawat oras may nakalaang kalungkutan
Na kung saan hindi hindi mo matatakasan

Ako ay isang tulad ng araw may pagsilang at may paglubog sa bawat tanaw
Sa bawat tahak ng aking mga paa
Maraming dahilan kung bakit nagsusumikap pa
Naging matatag at matapang na hinaharap ang mga problema
Dahil nariyan ,kasama ko ang ating Ama.

Ang Ama na syang naglikha sa akin
Ang tunay na sandigan at lakas ko
Sa tuwing ako’y nasasaktan sa mundong aking ginagalawan.

Marami po akong hinaing ,Ama maaari po ba akoy Dinggin
Mapawi lahat ang sakit sa aking damdamin
Na hanggang ngayon hindi ko po kayang kontrolin.

Ikaw po ang aking sandalan
Sa tuwing akoy nasasaktan
Sa tuwing akoy walang malalapitan
Ikaw ang aking tunay na kalakasan

Gawin mo po akong tulad ng araw na
sa tuwing puso’t,isip koy lumulubog
May bagong pagsikat ito pagdating ng umaga
Masayang nakangiti hinaharap ito ng puno nang saya,O aking Ama.

Sa bawat desisyon nawa’y ikaw po ang sasama
Kung ako na iyong lingkod ay karapat dapat pa ba ?
Hindi ko po kaya kapag wala ka
Dahil ikaw o aking Ama ang tunay na pag -asa

Humihingi ako ng kapatawaran
Sa lahat ng pakukulang na aking ginawa
At nangagakong ikaw ay aking paglilingkuran
Habang buhay hanggang sa katapusan 🇮🇹😇

Ama sana sa bawat pagsikat ng araw
Ikaw ang nakatanaw
Dito sa munti kong mga pananaw
Na patuloy na maglilingkod hanggang sa paglubog ng araw.

-secosa🇮🇹 1:30AM12022024

Address

Lower Taway
Ipil
7001

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dakilang Mananampalataya posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category