The Pamantasan Manifesto

The Pamantasan Manifesto Share your secrets, no one will know. Not even us. Share your stories here: http://goo.gl/DqglaU
(1036)

28/06/2014

"Some time last week, bale, may break kame bago yung last class. Was walking around the campus para mag-ubos ng oras and passed by that CR malapit sa ROTC office. Wala pong tao but me (stranded dun sa dulo). AND HEARD WEIRD SUGGESTIVE NOISES.

So eto naman si gagang naglalagalag, na-curious, nag-stay pa ng onti (did not see anything, really) and. AHA. Suspicions confirmed. Meron akong na-caught (well, narinig) in the act. That are two guys.

Um, so, wala naman akong against sa mga s*xually active or homos*xual people dyan and I'm very open-minded. Naiintindihan ko rin naman kung thrill-seekers kayo o mga fetishist kaya sa madilim na part ng school kayo nag-s*x. But, next time, pili-pili din ng place to have s*x ha. Ako, may delikadesa (that's your business, not mine). Eh, yung iba? E DI BEFORE THIS POST, BAKA MAY TSISMIS NA TUNGKOL DYAN.

BE CAREFUL PO. MEDYO HALATA, NAPA-BACK TRACK AKO NG WALA SA ORAS hahahaha XD. Yun lang.

Pasalamat na lang kayo at walang USG na nag-rounds at that time."

DoraLangAngPeg
2012
College of Accountancy and Economics
BSA

28/06/2014

""CME"

Hi! Isa akong shifter, mula sa kolehiyong hindi ko na papangalanan, Gusto ko lang i-commend tong CME, kasi napaka-approachable nila, yung student council pati na rin yung faculty, Hindi ko tuloy maiwasang i-compare dun sa dati kong College na kilala lang kami kapag may kokolektahin, kakausapin lang kami kapag may event at gustong manalo. Oo, alam kong pride ng college yung mga awards, at nakikinabang din kaming mga studyante pero kasi sana hindi lang sa pagpapakitang gilas lang kay nagcacare, sana sa mga kapakanan ng studyante rin. Luckily, nagshift ako(nagshift ako dahil gusto ko, hindi ako bumagsak), and nakita ko yung mga taong maki-studyante talaga, yung mga taong humble at hindi mapagpataas. Kaya para sa CME talaga tong post ko, Gusto ko lang kayo i-congratulate, Keep it up!"

Proud Jaguar
2012
College of Management and Entrepreneurship
Finance

"   Dun kay girl backstage ng CAUP last fondation day, wag ka mag-alala, I know this may sound cheesy and all but pagbig...
28/06/2014

" Dun kay girl backstage ng CAUP last fondation day, wag ka mag-alala, I know this may sound cheesy and all but pagbigyan niyo na ko . . .
IKAW NAMAN ANG BIDA SA PUSO KO! juice ko po :(
Matagal na kta sinistalk and lage pa rn akong natatameme whenever nakikita/nakakasalubong kita. Then foundation day came, woah. Sobrang woaaah. Ang cute mo na, sobrang creative mo pa.
Nandun ako sa labas ng pride hall last faux king&queen at fashio nung minemakeupan mo ung contestants niyo. Buti na lang malapit kayo sa pinto hahahahaha. Pero punyemas, ang angas mo gumawa.
Putting the kilig/awe aside, naiinggit ako. Sana muka ko na lang hinahawakan mo. Sana katawan ko na lang binibihisan mo. Sana maka eye to eye contact kita kahit minsan lng. But then imposible nga. Peste kase ang torpe ko. Natotorpe ako kahit mag hi lang sayo kase baka you'd find me creepy. Balita ko pa naman ang lakas mo mambasted sa block niyo. Totoo ba? Ayoko subukan. :p
Tatanawin na lang kita lage at babantayan. Ang cheesy ko na naman hahahahha
And, yung mga status mo kahit bihira inaabangan ko lage. Ang cool, worth the wait. Hindi pa nga pala tayo friends sa Fb. Ayoko rn mag friend request kase baka ideny mo. Buti na lng di nakaprivate profile mo hahahahaha. Pati twitter account mo sinusubaybayan ko rn kahit hanggang ngayon di kita mafolllow follow. :'( Ang stalker ko na nga ata, wag ka macoconscious a? Gusto ko lang malaman mo na may nageexist na taong nagkecare sayo. Mag aaral akong mabuti para pag nagkaron na ko ng sapat na lakas ng loob na magpakilala, may ipagmamalaki na rn ako sayo.
Nababano na ko. Ilang araw ko pinag isipan kung itutuloy ko ba to. But then I decided to give it a try, di mo naman ako makikilala e. :) :(

PS Not my real course and college."

Torpeng mahal si Tortol
2012
College of Engineering and Technology
Civil Eng'g

28/06/2014

"ABA MATINDE

Yung mga ex kong lalaking lalaki NOON , lalaki na ang hanap NGAYON .
smh"

Miranda Kerr
201*
College of Human Development
BSSW

28/06/2014

"Actually, freshmen palang ako dito sa Pamantasan. Enrollment pa lang iba na yung feeling. Hindi ko alam kung bakit sobrang init ng ulo ng IBANG mga staff, hindi ko nilalahat kasi may iba na approchable at mababait naman. Hindi lang isang beses nangyari to pero most of the time tuwing free time namin, madalas kaming nakatambay ng mga blockmates ko sa UAC at madalas din kami nasisita ng USG. Hindi ko alam kung ano may ginagawa ba kaming violation or what pero ang alam ko nandun lang kami naguusap usap at biglang may lalapit samin at manenermon. Kung ako naman ung nasa posisyon nya, magagalit din naman ako sa ibang mga students lalo na kung makikita mong sobrang kalat ng surroundings, ang akin lang.. Sana kausapin ng mga usg/staff ang mga students ng malumanay lang lalo na yung mga students na inosente. Kasi ang approach samin nun na kami ang nagkalat ng mga basura dun which is hindi naman. Pakiusap ko din sa ibang students ng Pamantasan, sana naman yung mga pinagkainan o mga kalat nyo wag nyo lang basta basta iwan.. Madaming nakakalat na trash bin dun nyo itapon.. Mamaya ma highblood yung mga USG at tayo na naman yung may kasalanan diba? Bilang isko at iska, dapat intiative na satin yun. Aside sa UAC, every time na may class kami sa GCA lagi naming pinapatawag yung usg para buksan yung aircon, yun kasi ung sabi nya nung first day. 4 weeks ng nakakalipas pero every time na pumapasok siya hindi ko alam kung bakit galit na galit siya sa mga blockmates ko. Hindi ko alam kung pinaglilihian niya ba yung mga lalaki kong blockmates *lalaki po yung guard na tinutukoy ko* kalma lang po. Kausapin nyo kami ng maayos at gagalangin po namin kayo. Hindi ko rin masisisi yung mga b'mates ko na nagtatanim ng sama ng loob sa mga staff.

Ayun lang. Share lang po. Sana peace lang po lahat para walang away. :)"

x
2014
College of Architecture and Urban Planning
ARKI

28/06/2014

""Epic No Reg Form Trial"

So heto, first time ko naiwan yung reg form ko nung Friday last week. Medyo kinakabahan ako kasi baka di ako papapasukin talaga pero naisip ko foundation day naman kaya dere-deretso lang ako. Paghinto ko para ipacheck yung bag, nagGood morning ako dun sa lady guard (baka makalusot xD) kaso bigla niya akong tinanong kung ano college ko and course ko. Sinagot ko naman kaso tinanong niya ang kinakatakot ko na tanong: "nasaan reg form mo?"

Hinanapan pa ako ng ibang documents (sabi niya) na magpapatunay daw na enrolled ako sa PLM kaso wala talaga dahil nagswitch ako ng small bag "-,- sinabi na lang niya na kausapin ko daw si sir na nasa desk. Medyo kabado na talaga ako halos mautal na ako nung kausapin na ako ni sir (di ko maalala name). Same question lang din tulad nung sa lady guard . Kaso heto na. Tinanong niya ako kung sino Dean ng CET at aminado ako di ko alam (sorry po) kaso ang sabi ko kilala ko lang yung officers ng CET (at alam ko nakascore na ako xD) . Sunod na tinanong niya mga prof ko daw sa bawat subjects. Nagbigay ako ng names and syempre nauutal na ko at halos pumiyok ako x) ang last question niya na lang ay kung sino daw president ng PLM. Dun ko siya nasagot ng kumpleto \m/

Sa huli binalaan niya ako na huwag nang kalimutan reg form ko . Nagsorry na lang ako at nagthank you nung pumasok ako.
Nakakahiya talaga at ayoko na maulit yun. Kaya yung iba sana huwag makalimutan ang reg form kung ayaw mapasabak sa Q&A for entrace but I think di lang ako ang naganito x)"

HenZan
2014
College of Engineering and Technology
BSCE

28/06/2014

"HAUNTED GCA

Hi, Share ko lang itong nakakabaliw na story ko, matagal ko na tong pilit pinatay sa isip ko pero ito bubuhayin ko lang ulit tutal last yr ko na to sa Pamantasan. Sana maenjoy nyo, (mag enjoy nga ba?)

Naganap ito 2 yrs ago. mga I think 8:30 - 9:00 pm na noon, kakatapos lang namin magklase dito sa "Haunted" na Building na ito, GCA. eto kasi yon, F*ck. Kasama ko mga tropa ko that time, naunang nagbabaan ung ibang blockmates namen, so ayon. mga 9:00 na nga yon, pababa na kami, tapos naalala ko ung payong ko nasa bandang likod pa pala ng room namen, muntik ko na makalimutan, nagpasama ko sandali sa kanila sabi ko babalikan lang pero tong mga hinayupak na to ayaw magsisama. So eto, umakyat ulit ako pa 3rd floor GCA, secret na yung room, sa hagdanan nakita ko si ateng USG. Buti naman may tao pa pampawala ng kaba. Nasa 3rd floor nako bumilis na tibok ng puso ko, nakakatakot kaya, talagang binilisan ko nalang ung lakad ko papunta sa room, kuha ng payong. Then, paglabas ko ng room namin nandito itong babaeng ito, PLMayer din, hindi katangkaran, maputi, pero maganda, as in maganda talaga, nag "excuse me" siya sakin mga ganon that time, nagulat pa nga ako nakakahiya. Lumapit siya sa akin then may sinabi, "pwede po bang humingi ng tulong?" parang ganon di ko na maalala ung exact words, basta ganyan. eto naman si ako nagtaka, ee tutal kahit takot na takot na ko, basta may chix feeling matapang. Pumayag naman ako dagdag pogi points, tapos hindi siya sumagot, tumitig lang sa akin tapos yumuko, e takot na takot na rin talaga ako kaya hindi ko na tinanong pa, yinaya ko nalang siya bumaba sabi ko sa labas nalang tayo mag usap. sumunod nalang siya sa akin. Habang naglalakad nakayuko parin siya, pababa na kami ng hagdan, nasa may 2nd floor na ata kami pababa na ng 1st, may binulong siya, parang "Tulungan mo ko . . ." , dahil mahina naman at kinilabutan ako sa narinig ko kunwari hindi ko nalang narining tapos direcho baba, ng nasa bandang exit na ko, lumingon ako sa kanya nandun pa rin sa hagdanan. Kinakabahan na talaga ko na halos maiihi na ko sa pantalon ko, parang may ibang feeling na kase talaga may mga weird na thoughts na kong naiisip nung unang kausap palang niya sakin, na hala baka mumu to, mga ganon, pero pilit kong binabalewala, nagmamatapang lang ako pero eto hindi ko na kaya. Isang bugtong hininga, tapos sigaw ko sa kanya, "tara na!" at PUT*ng *na nanigas yung katawan ko, pag tingin ko sa kanya, sira sira ung damit niya, may mga taling nakapulupot sa mga kamay at paa nya. Parang nandilim na ung paningin ko, narinig ko nalang na parang reply niya sa akin, "Hindi ako makaalis dito, kailangan ko ng tulong mo" sinabi niya yon sa akin na dahilan para manigas ang katawan ko, nagsasabaw na ng malamig na pawis ang katawan ko, ung pakiramdam na binabangungot ng gising, naramdaman ko yon that time.
Eto namang isa sa mga hayop na tropa ko, sumigaw mula doon sa labasan pa GV, naparang bumalik na ko sa pagiisip ko, nung nakontrol ko na ung katawan ko biglang karipas ng takbo. ewan ko ba, tapos tanong sakin ano daw nangyare sakin, wala ng sagot sagot, direcho na ko palabas ng PLM, wala ng salita salita. Sa labas, Punas pawis, Punas sipon, Punas Luha, nagtataka pa rin tong mga hayop na to kung ano daw nangyare sakin. Isa nalang nasabi ko sa kanila, "ayoko nang pumunta ulit sa GCA."
Almost 1 week akong hindi pumasok noon, tumambay ako sa lugar ng Cell leader ko, kinwento ko rin lahat sa kanila lahat ng nangyare.
Kinwento ko sa mga hinayupak na yon, pero halos ang totoong naniwala lang sakanila, ung hayop na bumalik at tinawag ako. Sinabi ko sa nanay ko, sagot sakin "gaga! tigilang mo na pagDodota mo nababaliw ka na dahil dyan" sabay hablot ng unan, sabay tulog.

Pag ikaw naman ang hiningan nya ng tulong, tutulungan mo ba?
"

Kailangan ko ng tulong
2009
College of Engineering and Technology
CS

28/06/2014

"UP Manila did not take the board exam this May for Nurses. To the examinees of the college that I came from, don't feel pressured. It's not a competition between us and UP or any other schools but rather, you have to compete for your individual success. It's not enough that our school is on top of the list but it'll be better if everyone would make it on the list. Right?

Bragging rights? Of course who wouldn't be proud if your school is one of the best in the country. However, our school's rank wouldn't be put on our resumè's. Like they wouldn't ask, "What's the rank of your school when you took the board exam?" What employers need is our board rating. I just realized that getting an 80% is like having a 75% rating. You passed but employers would prefer nurses whose ratings are better than 80. And it's not easy to get a score of 80 unless you'll study well and wouldn't take the review sessions for granted.

I still regret that I did not put my best foot forward in preparing for the board exam, I still went to parties, went out with friends, went on vacay while reviewing and so many things that I shouldn't have done before though I got a grade higher than 80 but for me it wasn't enough. I realized our succes as a nurse depends on us, not with the school that we came from."

Sleeping Beauty
2009
College of Nursing
BSN

28/06/2014

"ISIPIN MO MUNA BAGO MO IBUKA YUNG BIBIG MO.
BSA KA DIN DBA?
PLEASE LANG, UMAYOS KA NG KILOS MO.

Madami nakong naririnig na kwento tungkol sa kanya. SYA DAW KASI SI MIRABELLA. Wala akong pakialam kung bakla ka man o lalaki ka. NIRERESPETO KO ANG MGA BAKLA, DAHIL ISA SILA SA NAGPAPASAYA SA CAMPUS NA GINAGALAWAN KO. Natatawa ko, bakit kung makapagsalita ka akala mo alam mo na lahat? Akala mo matalino kana? Akala mo, porket marami kang HATERS, nasa tama na yung katwiran mo?

MATALINO KA NGA, WALA KA NAMAN SA KATWIRAN KUNG MAGSALITA.

Naalala mo? (Isa ko sa mga nakasakay sa jeep na yun kasama ka) Yung mga ARCHITECT STUDENTS NA MINAMALIIT MO? Aba'y 5 years course din ho sila. HINDI PORKET ACCOUNTING YANG KINUKUHA MONG COURSE, MAY KARAPATAN KA NG MANLAIT NG COURSE NG IBA. UMAYOS KA.

Hindi ka na bata. MATURED ENOUGH KANA PARA MALAMAN MO KUNG PANO KUMILOS NG MAAYOS. Accounting Student din ako, at kahit kelan wala akong naging dahilan para manglait ng course ng iba. KAHIT 4 YEARS O 5 YEARS MAN YAN, BASTA NAG AARAL KA NG BUONG PUSO'T KALULUWA, WALANG MAY KARAPATAN PARA MALIITIN KA.

PARA SAYO, KUNG MABASA MO MAN TO, PLEASE LANG. DI KANA HIGH SCHOOL. WAG KANG MAYABANG. TULAD MO, NAGSISIKAP DIN ANG IBA PANG ESTUDYANTE. HINDI LANG IKAW ANG NAG AARAL NG MABUTI."

Ms. C
2014
College of Accountancy and Economics
BSA

28/06/2014

"NAGING BITTER AKO (pakshet)

Nawala ako sa PLM at kinailangan ko lumipat ng university dahil ayokong mag-shift ng course. Nasabihan na ako ng iba na sana daw nag shift na lang ako sa ibang course at least nasa Pamantasan pa din. Pero naniniwala kasi ako na kung hindi mo gusto o mahal ang ginagawa mo, failure finds it way, often times haunt you pa nga.

Naging bitter ako. as in super bitter. Hindi na ako magpapa-ipokrita. Kung ang mura ay nakakahiwa at nakamamatay, giniling na sana yung prof na yun, yung mga studyanteng hindi deserving pero nasa loob ng plm dahil may malulupit na backer or lecheng maswerte lang talaga, inilubog ko na sana kayo sa lupa, yung mga may crab mentality, pucha sana naging crab na lang talaga kayo at lalamunin ko kayo.

Bitter nga kasi diba? Pero natauhan din naman ako kaagad. Hindi ko dapat sinisisi yung prof na nang-bagsak sakin at halos maliitin ang pagkatao ko, o kaya naman yung ibang mga studyanteng nanahimik. Hindi ko man pinili na mawala sa plm, ako naman ang pumili, nag decide at kumilos sa para sa sarili ko nung may pagkakataon pa. May mali ako, pero it takes two to tango, at some point baka nagkulang din yung prof...

Masakit, nakakapang lugmo, Nakakapang hinayang, nakaka-degrade ng pagkatao kung minsan. bakit? "taga-PLM ka? E di Matalino ka" yang mga salitang yan na dati ay pride ko, ngayon mejo nakakahiwa na marinig. Prejudice kasi ng tao, kapag natanggal/umalis/lumipat eh bobo na agad.

Nananawagan ako sa mga Iska at Isko, oo mahirap ang buhay sa loob ng Pamantasan kung minsan, maderfader ung mga usg, kulang ang ganito o ganyan. Minsan hindi mo pa marerealize kung bakit ba talaga angat sa iba kaya nakiki- ka na lang. Pero masaya at magandang mag-aral sa plm madaming reason kung bakit. Eto lang naman yun eh : "Look beyond the popularity, and aim for the quality"

P.S.
Yung mga makakakilala sakin, sige i-tag niyo ako at kayo na susunod mawawala sa PLM

28/06/2014

"Dear, Mama

Sorry, kung di ko na ipagpapatuloy yung pangarap kong maging doctor. Alam ko na kaya naman natin financially and intellectually ang pag memed school ko sa PLM. Pero di ko naman maramdaman yung moral support mo. Di ko maramdaman na gusto mo kong matuto...kinukulong mo nalang ako sa apat na sulok ng bahay natin at apat na sulok ng eskwelahan. Yung mga thesis topics ko...ayaw mo kasi iniisip mo mahahawa ako sa posible kong ithesis. Hindi na ako natututo mama. Andami kong gustong tuklasin pero nililimitahan mo yung imahinasyon ko na tuklasin ang mga bagay-bagay. Nagiging limiting factor sa akin na hindi mo ko pinapayagan sa ibang school related activities. Pati OJT ko gusto mo ikaw na rin ang pumili. Gusto kong matuto mama. Pero ikaw mismo pinipigilan mo ko. Gusto kong maging doctor pero pre-med ko pa lang di mo na ako tinutulungan tuklasin ang mga dapat malaman ko. Di ko sinasabing wag kang maghigpit sa akin. Naiintindihan ko naman ang paghihigpit mo.

Pero sana lang pag school related payagan mo naman ako. Tulad ng paglalibrary ko sa ibang school para sa thesis ko. Ayaw mo kong payagan. Tulad nang ang gusto kong thesis ganito ganyan sa cancer or ganito sa mga parasite. Ayaw mo na naman. Pati yung pagdadissect ng kung ano ano ayaw mo gawin ko sa bahay ng iba...ayaw mo din gawin sa bahay natin. Saan ako lulugar? Pag nag-aaral ako puro ka utos. Minsan gusto ko naman ng pahinga di ko magawa. Oo, alam ko na pagod ka rin para magtrabaho. Pero minsan, sobra naman na. Napapagod din ako mama. Hindi porket estudyante puro pasarap buhay na. Minsan mas gusto ko pang maysakit ako para naman tinetext mo ko kung kumain na ako. Oh di kaya gumigising ka ng maaga para pakainin ako. Pag may trabaho ka na...wala nang ganun eh. Minsan pag naiinis ka sa trabaho mo nabubuntong mo sa akin. Minsan naiinggit ako sa mga kaklase kong hirap sa buhay pero sinusuportahan ng magulang kesa naman tayo na nakakaangat pero hindi nagsusuportahan.

Sabi mo sa akin dati nung halos hirap na hirap talaga tayo na wag akong mainggit sa mga kaklase kong mayaman dahil sila yung kadalasang may magulang na kulang sa oras....you're slowly turning into them. Ngayon, nakikita ko yung mga kaklase ko...mas may oras pa yung mga magulang nila sa kanila kesa sa trabaho....sila may vacation sila na out of town kahit hindi holy week. Tayo...holy week lang tayo may panahon. Sila, kasama nila yung magulang nila sa lamesa habang kumakain. Tayo, kasama nga kita pero lagi ka namang may kausap. Naiinggit ako sa mga kaklase ko na ni-minsan hindi inabuso ng magulang verbally. Pero ikaw, grabe...pag naiinis ka na sa trabaho mo akala mo katulong nalang ako kung itrato mo. Para akong yung mga kinaiinisan mo kung murahin mo. Di ko na kaya mama. Minsan pag pinapaalis mo ko sa bahay dahil sa inis mo sa akin, minsan gusto ko na igrab yung opportunity eh. Pero hindi ko alam kung kanino ako tatakbo. Kasi minsan pakiramdam ko di ako tatanggapin ng mga kaibigan ko. Alam ko nandyan sila para suportahan ako. Pero dahil kinukulong mo ko sa apat na sulok ng bahay natin lahat nalang kaibigan ko di ko na maidentify kung sino pa ang totoo sa akin... nang dahil dito mas nararamdaman kong mag isa ako. Palagi nalang ba akong isolated sa kahit na sinong tao? Kahit kanino palagi ka nalang may nasasabi. Ano bang tama sa mali? Yung sinasabi mo or yung nakikita ko? Di ko na alam mama. Pero ayoko na.

I give up. Di na ako magdodoctor, napagdesisyunan ko na. Kahit ano naman piliin ko di mo ko sinusuportahan di ba? Kaya ano pang halaga na magdoctor ako kung di mo rin naman ako susuportahan sa gusto mo?

Nagmamahal"

Anak
2011
College of Nursing
BSN

"Hi! Ate, isa nga pala ako sa umiidolo sayo. Napakabihira kasi ang mga Magagandang babae na, matalino pa. Sobrang famous...
28/06/2014

"Hi! Ate, isa nga pala ako sa umiidolo sayo. Napakabihira kasi ang mga Magagandang babae na, matalino pa. Sobrang famous niyo sa pamantasan kaya hindi mo ko kilala. HAHA :)

Yun lang :)) Di kita ma-add kasi full na friends mo :( Sadnu.
Freshmen palang po kasi ako. Haha kung may BF ka man po, sana wag magalit. Humahanga lang naman ako sayo eh. Congrats po pala kahit hindi ka nanalo. Para samin ng mga kakilala ko, Ikaw yung Bb. Pamantasan. Okay na sakin na nakapagpapicture ako sayo. HAHAHA :D

Not my real college pero college mo to. Ayoko ilagay kasi baka makilala ako ng mga kaklase kong nagbabasa dito at sa mga kakilala ko. HAHA :) Kantyawan pako :l"

Caizer
2014
College of Physical Therapy
BSPT

Address

Intramuros
1009

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Pamantasan Manifesto posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share