16/08/2026
Noong ika-30 ng Mayo, 2026, matagumpay na idinaos ng ALPAS ang isang seminar na kung saan kasama ang Sangguniang kabataan Barangay 649 Zone 68 na nakatuon sa "Wastong Paggamit ng Social Media sa Pagpapalaganap ng Impormasyon." Layunin ng gawaing ito na itaguyod ang kritikal na pag-iisip sa pamamagitan ng maingat na pagsusuri at pagpapatunay sa katumpakan ng mga impormasyong nababasa online bago ito pamahagi sa publiko, partikular ang mga paksang kaugnay ng mga napapanahong kaganapan sa bansa.
Sa pakikiisa ng Team Laban, naging bahagi sa ginanap na talakayan sina Jass De Pedro, IC Am-is, at G. Jerom Consad. Binigyang diin sa naturang pagtitipon na ang pangunahing hamon sa kasalukuyang panahon ay hindi lamang ang mabilis na pagkalap ng impormasyon, kundi ang kritikal at wastong pagsusuri rito. Ang kanilang aktibong pakikilahok at mga ibinahaging kaisipan ay nagpapatunay na ang makabagong henerasyon ay hindi lamang basta tagatanggap ng mga batayang nakikita sa internet; bagkus, sila ay may pagkukusa na siyasatin, suriin, at tiyakin ang katumpakan ng bawat datos bago ito paniwalaan at ipamahagi sa madla.
Sangguniang Kabataan - Barangay 649 Zone 68
Tara Kabataan
Sk Gerald Bermejo Galit