01/05/2026
Gusto ko lang naman umorder ng tumbler. Kaso ang mahal kapag sa account ko, pero kapag sa kanya, mura lang. I mean, hindi naman sobrang mura pero alam mo yon, MAY DIFFERENCE TALAGA. Parang mas binibigyan ng discounts yung mga hindi pala-order. Weird. So I used his phone instead (I asked for his permission, I always do kahit wala naman siyang pake kahit galawin ko phone niya)
Anyway, yun nga, umorder ako ng tumbler for both of us and I saw his cart kasi in-add ko muna don yung bibilhin since magkaibang kulay yon and I can't just use the Buy now option. Una sa list is a Stitch bouquet, then may Stitch shirt, Stitch pillow, basta mga Stitch. The rest, mga graphic shirts na and other stuff like headphones, keyboards, etc.
I love Stitch. I started collecting Stitch in Highschool and he knows that. Alam ko mababaw lang 'to kasi hindi niya pa naman nabibili. Pero kaya pala yung FYP nya madalas may mga vids ng Stitch. Nagulo na algo nya kasi nag-add to cart sya ng mga ganun.
Okay lang naman sakin na di niya bilhin. Kaya ko namang bilhin. Pero the fact na in-add to cart nya kasi balak niyang bilhin for me... wala lang. Cute eh.
Nabilhan nya na ako ng malaking Stitch (80cm) just this year, so nagulat talaga akong may iba pa pala siyang balak bilhin for me.
Sana talaga mga vakla, tamang tao na to. Akala ko yung last relationship ko na yung tamang tao, MAY TAMA lang pala sa utak.