15/02/2024
Ikaw ang dahilan sa aking mga hating gabi.
Payapa ngunit tila naglalakbay sa wari ng mga gunita.
Binabalikan ang masasaya at mga nagdaang luha.
Isang Libo at isang araw.
Nais na kitang palayain
Ngunit . . .
Kariktan mo'y mapaglaro.
Tila nanghihingi ng atensyon.
Nang pagmamahal at pag-aaruga.
Tila baga nagsusumamo.
Paano ba ang lumayo
Paano ba ang limutin ka?
Kung ang mga alaala mo'y
kakambal ng aking anino.
Pilit tinatakasan.
Gustong makawala.
Ngunit . . .
Isa kang lason.
Na unti-unting nanunuot sa aking mga ugat
Sa aking pagkatao.
—el.