03/03/2026
Noong uminit ang tensyon sa pagitan ng US at Iran noong Enero 2020, hindi nakisawsaw ang Pilipinas sa gulo. Sa halip, ito ang mga pangunahing hakbang ni Pres. Duterte.
📍Nagpahayag siya ng pag-aalala.
Inamin niyang kinakabahan siya na baka lumala ang sitwasyon at mauwi sa digmaan sa Middle East.
📍Pina-alerto ang military.
Inutusan niya ang Armed Forces na maghanda ng eroplano at barko sakaling kailanganing ilikas ang mga Pilipino.
📍Mandatory evacuation sa Iraq.
Itinaas sa Alert Level 4 ang Iraq at pinauwi ang mga OFW para sa kanilang kaligtasan.
📍Nagpahanda ng standby funds.
Humiling siya ng pondo para masigurong may budget ang gobyerno kung kakailanganin ang malawakang repatriation.
🇵🇭 Ang naging focus ng administrasyon noon ay protektahan ang mga Pilipino, lalo na ang mga OFW sa Middle East.