11/07/2025
✍️Ang piyesang ito ay para sa mga taong hirap umusad .
: Typographical and grammatical errors ahead
Sa gitna ng ingay ng kalsada
Nariyan ka pinakikinggan ang
mga ingay ng busina’t makina
Traffic na naman
Kailan kaya to uusad ?
Sa masikip na jeepney
na nagsisiksikan ang mga pasahero,
Pwede ba kung hindi na kasya huwag ng ipilit pa .
Huwag mong ipagsiksikan ang iyong sarili sa taong hindi pa handang ibakante ang sarili .
Uusad paba to ?
Sa daming pede masakyan
Doon pa talaga sa sasakyan
na hindi pa makausad .
Ang mahal ng binayad mo sa gasolina
Pero ang tanong minahal ka ba ?
Sana hindi ka nalang umandar
Kung alam mo naman na sa kalagitnaan ay hindi ka makausad .
Hindi ko na sana pinagsisiksikan ang
aking sarili sa masikip na jeep .
Ang hirap talagang umusad kung alam mo na ginawa ka lang pampalipas oras.
Ang sabi mo makakausad ka ,kahit na traffic
Andaming nasayang na oras
Pinalalim mo pa at pinaabot ng isang oras
bago sabihin sira ang iyong makina .
Asang-asa ako na aandar pa
Yun pala sira na at ginamit mo lang ako .
Ito na baba na,
Salamat nalang sa biyaheng
puno ng alala niyong dalawa
Kaya pala hindi makausad kasi
dala-dala mo ang inyong nakaraan
Oo pinili mong hindi umusad
dahil mahal mo pa.
Tama nga sila magkaiba ang bawat jeep,
may jeep na piniling umusad dahil kailangan .
May jeep na piniling hindi umusad dahil
mahal pa niya.
At may jeep na hindi pa handang umusad .
Yung taong nang iwan masaya na
pero yung taong iniwan hindi pa makausad.
Sana pag kulay berde na makausad na ako .