23/09/2023
Sa aking paglanghap ng hangin
sabay ng pag amoy upang alamin
kung ano ang bagay na aking napansin
isang amoy ng nagpaala sakin.
Sinundan ko ang animoy aroma na nagpapaalala sayo
doon ko napagtanto na ikaw nga ,subalit may iba na
ibang lumalanghap .
Sa pagtingin ko sainyo tila mailap ang kalangitan
tila magbabadyang ibuhos ang ulan
at sisilong ng mag isa at wala ng inaasahan
Papayungan mo siya na parang kayo'y nalilibang
parang magandang tinig ang pagbagsak ng ulan
subalit para sakin kasabay ng pagtulo ng likido
ay ang paghagulgol ng ulan sa aking pandinig
at ang hindi pag ayon sakin ng pag ibig
At ngayon hindi ko na hahanapin ang taong
gagawin lang akong panangga sa ulan
at magiging payong lang sa putikan
hanapin ko yung taong mananatili ang aroma
hanggang sa sa huli ng aming pagtanda
dala dala parin ang alaala.