Coro Nacional De Sta Ana

Directions

Coro Nacional De Sta Ana "Tagal naman ni Kuya Danny!" wika ng isa. "Brrr.. tok tok tok tok" tunog ng motor ng traysikel habang ito ay nakahinto galing sa byahe. "Palusot..." yun e.. hehe.

"Kanina pa kami nandine, may pinuntahan lang saglit." sabi ng isang lalaki na naka-fit ang damit at may hawak na saklay na may kasamang magandang babae. bulong ng lalaki na nakatayo sa tabi ng pinto. Eto ang unang eksena na hindi nyo makakalimutan dahil paulit-ulit na nangyayari ito. Ganito kami magkita (kadalasan) pagka may praktis ang coro. pero bago muna ang lahat, mas maganda sig**o kung kilalanin muna ninyo ang miyembro ng grupong ito. Kilala bilang "Kuya Danny" ang nangungunang kagalang-galang naming maestro. kumpas pa lang mapapapitik ka na! laging tatandaan, Wag tatapat sa ulunan, baka ika'y masilaw sa kagwapuhan! Ikaw din...

Tenor. pangkat ng mga lalaking may mataas na boses, kalidad nila, hmm... hindi Pavaroti, hindi rin Bocelli.. Rick(i).. matandang Tenor ang tawag sa batikang miyembro nila, si Rick nga iyon. Kasama dito ang mga gwaping(-ot) na sila Eric aka SILENT, Peachan, Mick, Anjo ang G**O, Jayson BAGO, Kenneth ANGEL, Arnold (nasa KSA sya ngayon). Ayan. kung may nakalimutan mang mabanggit, isingit nyo na lang. Bass. "d**g, d**g, d**g, d**g!" parang ganyan ang tunog nila, hinuhugot mula sa ilalim ng lupa ang kanilang boses dahil ito ang mababang bersyon ng boses ng lalaki. Pa-extra-extra man ang boses nila, sila ang nakapagbibigay buhay at kulay sa kanta. Para bang nasa kanila ang magbibigay ng kakaibang timpla ng mga susunod na nota. Si Jess (nasa KSA na din), Obet, Yumer, Arvin, Ronelle, Ipee, (may iba pa ba?) sila ang bumubuo ng bass. Soprano. Kikilabutan ka sa taas ng boses ni Ate Beth..ay! nila palang lahat. hahaha! Nasa kanila ang melodya ng kanta kaya napaka importante nila. (sila na nga.) himig nila ang sinusundan ng taong bayan. Si Ate Beth ang kanilang punong tagapayo, kasama dito sina Alyssa, Nina, Krisel, Apol, Ana, Regie. (pakidagdagan kung kulang)

Alto. Mahirap kunin ang nota lalo na pag di sanay sa pagtanda ng tunog nito. ito ang trabaho namin. Mabigat. Kaya todo ang prakttis. madalas makalimot sa tono. Buti si Mme. Minda ay naaalala pa ang mga tono. Minsan mahina at minsan lip-sing na lang o kaya melody pag hindi alam. Pero, sa kabila nito, sinisikap pa din namin pagbutihan. Si Mme. Minda, Mylene, Rio, Vien, Joy, Jinky, Tina, Korina ang magkakasama dito. Si Cedric. Tagos sa puso ang pagtugtog ng biyolin. nakakahanga ang kanyang galing. kahit na siya ay nag-aaral sa malayo, nakukuha pa din nya maglingkod kasama namin. APAT NA BOSES, ISANG LAYUNIN... ang makapaglingkod sa Panginoon. Ang pagbabalik ng biyaya mula sa Kanya ay dinadaan namin sa pamamagitan ng kanta. Madami na ang kabanata ng aming kwento. Madami na kami napagdaanan. Lahat ay may galak sa puso (ipagpatuloy nating lahat ito) na umawit! Magaganda. Gwapo. may g**o, nars, ahente ng telepono. may magaling sa computer. may astiging tumugtog. may magaling umutot. MATATAKAW. maiingay
magugulo. mahaharot. ma-angis. makukupad. minsan walang load. mahilig mag-GM. iba-iba lagi ang costume. masayahin. mapagmahal. mapagbigay? masunurin? ano pa ba? nauubusan na ko ng hininga...

isa
dalawa
tatlo!! "Coro! Coro! tara na't bago ang mga kanta" Sabi nung kalbo na nakaupo sa harap ng organ. CORO NACIONAL DE SANTA ANA

SASALI KA BA?

Address

Hagonoy
3002

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Coro Nacional De Sta Ana posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category