16/08/2026
Happy Birthday, Fr. Ned!
Maligayang Kaarawan sa ating minamahal na Kura-Paroko, Rdo. Padre Ned P. Nazareno, JCB!
Sa biyaya ng Diyos, nagpapasalamat kami sa inyong buhay at tapat na paglilingkod sa Kanyang Sambayanan. Nawaβy patuloy kayong palakasin at pag-alabin ng Espiritu Santo sa inyong banal na bokasyon.
Sa bawat Banal na Misa, panalangin, at salitang nagbibigay-liwanag, nawaβy patuloy ninyong madama ang presensya ng Diyos na siyang pinagmumulan ng inyong lakas at pag-asa. Nawaβy ang inyong buhay ay patuloy na maging instrumento ng Kanyang pag-ibig at awa sa aming pamayanan.
Sa paggabay at pananalangin ni San Gabriel Arkanghel, ating Patron, nawaβy lagi kayong maging matatag na tagapagdala ng Mabuting Balita, tapat na pastol, at lingkod ng Diyos at ng Kanyang bayan.
Nawaβy pagpalain, ingatan, at patnubayan kayo ng Panginoon sa bawat araw ng inyong paglilingkod.
Maligayang Kaarawan po, Padre Ned! Ad multos annos! π