26/03/2024
Isang bukas na liham ng isang ina para sa kanyang anak:
Hi baby ko! Pasensya na magdadrama lang saglit si Mommy ha.
Alm ko na may tamang pagkakataon para sa lahat ng bagay, kagaya ng tamang panahon para maintindihan mo yung mga bagay na gusto kong sabihin sayo.
Maraming bumabanggit sakin na lumalaki ka na, at pag naririnig ko yun, syempre magkahalong lungkot at saya yung nararamdaman ko.
Mabilis masyado ang panahon. Ngayon pa lang, nalulungkot na akong isipin na darating yung oras, maraming bagay tayong nagagawa na hindi na natin magagawa ilang taon mula ngayon.
Kapag nagdalaga ka na, malamang hindi mo na hahanapin yung kamay ko bago ka matulog. Syempre, mawawalan na rin tayo ng habulan session para lang talian ka ng buhok. Hindi mo na din ako gugustuhing kasabay sa pagligo habang nasa loob ka ng timba haha. Hindi mo na ko gigisingin sa madaling araw para lang magpasikat sa animal sounds na alam mo na kahit paulit ulit lang yung iba. Mamimiss ko yung routine natin araw araw, yung kahit na lahat ng kilos ko nakadepende sa kilos mo, at oo madalas napapagod at naiinis ako, ( napagbubuntunan ko pa nga yung Daddy mo) pero at the end of the day, isang embrace at madaming kisses mo lang,bati na ulet agad tayo.
Nak, dinadaan ko lang sa biro pero totoo yung lungkot ko pag naiisip ko lahat yan.Yung mabilis mong paglaki ang lalong nagpaparealize sakin na masakit mang tanggapin pero sa dito sa mundo, kasabay ng pagtanda ng magulang ay paglaki at pagkakaroon ng sariling buhay ng anak.
Kaya anak, ang promise ni Mommy sayo, hindi ako magsasawang iparamdam na ikaw ang pinakamasayang nangyari samin ng Daddy mo.Hindi man ako perpektong Mommy, gusto ko hanggang paglaki mo, hindi mo makalimutan na ako ang super Mommy mo. Sana hindi tayo magbago. Sana in the future, hindi ka pa din mahiyang ikiss ako at sabihan ng " I love you Mommy ko" kahit sa harap ng maraming tao, para kahit umandar pa yung mabilis na panahong sinabi ko, hindi ko mamalayan dahil ikaw pa dn ang forever baby ko.
I love you anak. I love you so much.