20/05/2026
Isipin niyo nalang kung puro malasakit lang ang magpapatakbo sa ating bayan. Bigay dito, bigay doon, ang sarap makatanggap ng ayuda diba? Proyekto dito, proyekto doon, ang daming matatanggap sa trabaho - ngunit alam ba nila ang kasukdulan nito?
Hindi kailanman batid ng mamamayan ang nangyayari sa ating siyudad. Binibili lang tayo, pawang alipin ng pangangailangan. Dahil kailangan natin ng peraβt pamumuhay, at nakakatanggap tayo ng kombinasyong halintulad nito, tayoβy nawili nang lubusan. Lubos pang nakakatulong sa pang-araw-araw, kahit na pansamantala lamang.
Kalakip nito ang maraming pagsahod, pagmahal ng mga bilihin, at iba pang kalakalan na nangangailangan ng malalaking halaga - dahilan upang masmaunawaan ang mabilis na employment rate at daliang pagwaldas ng pera mula sa buwis.
Paano at bakit naisasagawa ang mga proyekto na lubhang malaki ang budget? Bakit hindi nakikita ang aninaw ng mga proyektong ito sa idineklarang budget? At sa kabila ng pagtaas ng employment rate, talamak na bigayan ng ayuda, at mga panukalang bilyon-bilyon ang halaga, saan pupulutin ang bawat pisong kakailanganin matupad lang ang mga ito?
Saan ba talaga galing ang ayuda? Bakit maraming pera ang inilalabas at pinapapasok na hindi konkreto at may transparency? Wala ba talagang korupsyon na nangyayari sa pamamalakad ng ating kasalukuyang mamumuno?
Ngayon isipin niyo naman kung pinagkaugalian na ito ng mamamayan. Hahanap-hanapin natin ang libreng pera, bigas, gasolina, atbp. Hindi ba nagpupumiglas ang ating dibdib sa pagtrato (o maltrato) ng mga taong nasa likod ng kasabwatang ito?
Parinig? Hindi. Pero sana maging pamulat ng mata. Hindi bobo ang mga taga-GenSan. At lalung-lalo na ang kabataan ng siyudad.
Wag ka nang magtaka kung bakit masnananalig pa sa Diyos ang sakim.