23/05/2025
it’s 6th PAGATHAGAY: 𝙂𝙖𝙗𝙞 𝙣𝙜 𝙎𝙞𝙣𝙞𝙣𝙜 𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙘𝙡𝙖𝙨𝙨 𝙑𝙖𝙧𝙞𝙚𝙩𝙮 𝙎𝙝𝙤𝙬 𝘾𝙤𝙢𝙥𝙚𝙩𝙞𝙩𝙞𝙤𝙣 2025
Ang 𝙋𝙖𝙜𝙖𝙩𝙝𝙖𝙜𝙖𝙮 ay halaw sa salitang Hiligaynon na ang ibig sabihin ay kompetisyon, pakikipagtagisan o showdown. Unang ginamit ang konsepto na ito sa pinal na gawain at pangangailangan ng mga mag-aaral ng Mindanao State University sa Filipino 3 Retorika Sining ng Pagpapahayag noong 2016. May iba’t ibang kategorya ng presentasyon ang isinagawa ang mga mag-aaral kung saan malaya nilang naipahayag, naipakita at naitanghal ang kanilang angking husay at galing sa iba’t ibang lente. Ngayong 2025 ay muli itong bibigyang buhay para sa mga mag-aaral ng GEC106 Pagpapahalaga sa Sining sa ikatatamo ng layunin ng kurso tungo sa pagpapahusay at pagpapabuti sa kamalayan at pagpapahalaga sa sining. Sa pamamagitan nito ay mapupunan ang mga espasyo ng danas sa sining na daluyan ng mga nakatagong kahusayan at kasanayan ng mga mag-aaral.
Kita-kits sa gym! ✨