07/05/2024
๐๐๐ฃ๐๐ฅ๐๐ก๐๐ ๐ฅ๐๐ ๐'๐ฉ ๐ฉ๐๐ฃ๐๐ฉ๐๐ฃ๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ค ๐ฃ๐๐ช๐ฃ๐๐ฉ ๐จ๐๐ง๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐๐ช๐๐ค'๐ฎ ๐๐ ๐ฉ๐๐ฃ๐๐๐๐ฅ ๐๐ฃ๐ ๐ก๐๐ฃ๐๐๐จ ๐ฃ๐ ๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ฃ๐ช๐ฃ๐๐ค
Gitara'y dala-dala, kalakip ng aking pangarap,
Sa lilim ng tanghalan, nagtatago ang lihim na pagmamahal sa musika.
Tanaw ko ang pangarap na inaasam simula't simula,
Bakit di ito makita ng aking sariling mga magulang?
Tanaw ko sa malayo, isang babaeng di ko maabot-abot,
Turing niya'y kaibigan, isang linyang di ko kailanman matatapakan.
Kaya sa gitara'y kakapit, sa mga kuwerdas kakalabit,
Aasang mahigpit, hanggang makamit, musika kong bitbit.
Ating sabayan ang saliw ng buhay ni Benj at ang kanyang patuloy na pagkamit ng tunay na kalayaan at pagmamahal sa dulang malapit niyo nang masaksihan. Abangan!