Pahayag

Pahayag Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Pahayag, Poet, General Nakar.

The beauty behind every tear that flowed—the stories dripping down the face,pillows getting wet as they witness silent c...
03/12/2025

The beauty behind every tear that flowed—
the stories dripping down the face,
pillows getting wet as they witness silent cries,
the soul slipping out of the body, shouting and screaming.
Things thrown to release the anger that was held,
shattered glass depicting the broken pieces of myself,
the way I pick them up and try to put them together again.
The calmness in myself after breaking down,
the unfixed hair that no one can judge,
the tired eyes that lead me to sleep after crying my soul out—
messy, but so fu***ng beautiful.
And so, I call this peace.

Nararapat bang sumibol at mamukadkad ang mga bulaklak sa aking nabubulok na katawan?Nangangahulugang, ultimo sa pinakana...
28/11/2025

Nararapat bang sumibol at mamukadkad ang mga bulaklak sa aking nabubulok na katawan?Nangangahulugang, ultimo sa pinakanakakasulasok na estado ay mayroon pa ring nagbabadyang pagsibol?Sa bawat pagtatapos ay may nakaabang na pagsisimula.Hindi wakas ang pagkawasak, dahil maaari mong pulutin kahit ang pinakapino mong parte at silaban ito sa apoy upang mahulma ang panibagong katauhan nito—sa mas matibay na pamamaraan.Ngunit pakaingatan mo lamang, dahil nagbabadya pa rin itong mabitak at muling humantong sa pagwawakas.

At kung sa bawat salita ay may kaukulang damdamin, masasabi mo rin ba na ang pagkaubos ng salita ay siyang pagkaubos na ...
24/11/2025

At kung sa bawat salita ay may kaukulang damdamin, masasabi mo rin ba na ang pagkaubos ng salita ay siyang pagkaubos na rin ng damdamin? Ang katahimikan ba ang katumbas ng kawalan, ang aking hukag na katauhan na pilit humahanap ng malalim na pagtanaw sa buhay ay mananatili parin bang gutom sa mga kasagutan? Hanggang kailan?

📸: .tena.astejada

09/11/2025

Ingat tayong lahat guys! Lalo na’t walang pakialam gobyerno sa’tin, tanginang mga yan e mga kupal

Salamat sa musika, nadidinig ko ang mga salita na hindi ko akalaing kinailangan ko pala at sa ganitong paraan din naman ...
23/10/2025

Salamat sa musika, nadidinig ko ang mga salita na hindi ko akalaing kinailangan ko pala at sa ganitong paraan din naman ay nararamdaman ko ang mga emosyon na dapat kong nararamdaman na hindi kaya ipahayag ng aking kaisipan at maramdaman ng aking katawang lupa. Kakaiba at mahiwaga ang naiidulot nito, natagpuan ko ang mga piraso ng aking sarili na ni minsan ay hindi naintindihan ng kahit na sino pa man. Ang musika ay parte na ng aking pagkatao na sa bawat pantig, sa bawat himig, ang paglalaro sa bawat nota ay pahapyaw na pagkiliti saaking sarili, NAIINTINDIHAN AKO NG MUSIKA.

Hindi mahirap ang magmahal sa bagkos ay mas mahirap ang hindi magmahal, nakakatakot na raw kumilala at magpapakilala, hi...
19/10/2025

Hindi mahirap ang magmahal sa bagkos ay mas mahirap ang hindi magmahal, nakakatakot na raw kumilala at magpapakilala, hindi ba’t mas nakakatakot kapag hindi ka na kumikilala at lalo na kapag wala na ang may balak na kumilala saiyo? Hindi ba nakakatuwa na isipin kung paano mag-alay ng kapiraso ng sarili at gayon din naman ang mapag-alayan ng kapiraso ng kung sino man. Sapagkat pag-ibig at pag-ibig parin ang isa sa pinakamagandang maramdaman ng isa.

Naging magulo, naging nakakatakot at naging marahas. Ngunit ano pa nga ba? Ano na lang ba ang natitira sa masa? Ang masa...
22/09/2025

Naging magulo, naging nakakatakot at naging marahas. Ngunit ano pa nga ba? Ano na lang ba ang natitira sa masa? Ang masa na pinagkaitan at patuloy na pinagkakaitan, pinagkaitan ng pagkain, tirahan, edukasyon, kaalaman at patuloy na ginigipit ng kung sino man ang mga nasa makapangyarihan kuno at pinagmumukha pang sila ang dahilan ng patuloy na paglubog ng ating lipunan. Kaya kung sasabihin ninyo na napuno lamang ang kapulisan kaya gumamit na ng dahas? Isipin din ninyo ang MASA na punong-puno na sa loob ng matagal na panahon. Dahas na lang ang natitirang pagtugon ng Masang patuloy na pinagsasamantalahan, ninanakawan nang lahat-lahat.

21/09/2025

AMETSIS
Nakakagalit, nakakasuka, nakakadiri, nakakaiyak at lalong nakakaputangina ang lintik na sistema na baliktad, ang sistema na dapat nagpapakain, pumoprotekta at nagsisilbing tahanan na mainit ang pagtanggap ay siyang sistemang lumulunod, pumapatay at siyang nagpapahirap sa mga Pilipino. Ang patuloy na pagkakait ng karapatan ay ang unti-unting pagpatay. At mas masahol pa sa pagkamatay ang paggapang sa bansang pinamumunuan ng mga hayop na dahan-dahang tinatalian ang ating mga kamay at paa, hinuhubaran ng pangarap ang bawat Pilipino. KUNG MAMARAPATIN NINYO, PUTANGINA NINYO!

Tite…
16/09/2025

Tite…

06/09/2025

Address

General Nakar

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pahayag posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category