08/09/2026
๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐๐ข๐ง๐ข๐ญ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐๐ญ๐ข!
Lubos na pagbati sa matagumpay na pagkamit ng ika-3 na puwesto sa Pang-Yunit na Paligsahan sa kategoryang Paglikha ng Dokyuwento na ginanap noong Setyembre 7, 2026 sa Munting Ilog Integrated National High School sa tulong at gabay ni G. Arvin S. Reforma.
Tunay na kahanga-hanga ang inyong ipinamalas na kahusayan sa nasabing paligsahan. Ipinagmamalaki kayo ng ating kapisanan maging ng ating paaralan. Nawa'y patuloy ninyong mapayabong ang inyong kakayahan sa ganitong larangan. Hangad namin na kayo ay maging inspirasyon sa iba at patuloy pa kayong magkaroon ng pagkakataon para sa mas malalaking tagumpay.
๐๐ฎ๐ฅ๐ข, ๐ข๐ฌ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ข๐ง๐ข๐ญ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐๐๐ญ๐ข!