17/07/2025
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
โ๐ฒ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐.โ
Ma,
Pagod na po ako.
Pagod na pagod na po akong intindihin ang mundo,
Pagod na po akong kakahabol ng atensiyon ninyo.
Tuluyan ko ng nilisan at ipinaubaya kay tadhana ang aking kinabukasan,
Umaasang baka iyon ang tanging solusyon para matahak ang ibang daan.
Yung bawat ingay at pagkokomparang rumirindi sa aking tainga,
Na tila siyang kumukuha ng aking lakas para makahanap ng pag asa.
โ๐๐๐ ๐๐๐๐ข๐ก๐ ๐๐ '๐ก๐๐๐ ๐๐๐๐๐ก๐๐ ๐๐, ๐๐๐ฆ ๐ ๐๐๐๐โ
โ๐ป๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ก๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐'๐ก ๐๐ ๐๐๐ก๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐โ ๐๐ข๐๐ ๐๐๐๐ค๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ '๐ก๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐โ
โ๐๐๐ฆ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ ๐๐ฆ๐, ๐๐๐๐๐๐ ๐ค๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ข๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ก๐.โ
Rinding-rindi na ang bawat parte nitong aking tainga,
Tuluyan ng nalalason ang aking puso't isipan kakaintindi nitong aking kalagayang tinatamasa,
Akala ko pamilya ang una kong magiging kakampi sa mundong mapanghusga,
Subalit bakit tila kayo pa ang unang kumuha ng ngiti't pag-asa sa aking mukha.
Sinubukan kong maging ako โ ang taong hinahanap-hanap ninyo,
Sinubukang magbanat ng buto kahit kapalit ay yung pangarap ko,
Gumawa ng paraan upang hindi lumubog sa problema ang barkong aking isinasagwan,
At pinaglaruan ang bawat luhang umaagos sa aking mga mataโt katumbas ay ang sulirananing parang 'di na kaya labanan.
Ang nais ko lang ay ang makita ang halaga ko,
Malasap at maturing bilang parte ng pamilyang ito.
Sa kabila ng pighating ibinabaon sa aking puso,
Umaasa pa rin akong baka bukas papawiin ng inyong mga yakap itong bawat luhaโt kapagalang rumirindi sa buhay ko.
โ๐ด๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐ ๐๐ ๐๐๐๐
๐๐๐ ๐๐๐๐
๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐'๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ โ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐.โ
โ dandeliion | 07-15-25