23/11/2024
Habang tumatanda tayo, natutunan nating iwan ang magarbong pangarap at magarang plano. Hindi na natin hinahangad ang mga bagay na minsang nagpasiklab ng ating pag-asa. Ang gusto na lang natin ay makaranas ng tahimik na gabiβyung makatulog nang mahimbing, malaya sa bigat ng damdamin, at walang iniisip na sugat na kailangang hilumin.
Sa bawat araw, ang hiling na lang natin ay ang makaraos, makaabante kahit mabagal, at maramdaman na kahit papaano, may liwanag pa ring naghihintay sa dulo ng lahat. Ito ang mga simpleng pangarap na sapat na para maging masaya.