18/02/2026
KAPAG YUNG GIRLFRIEND MO AY TINIRA NA NG IBA, IWANAN MO NA
May tropa ako dati.
Tahimik na lalaki.
Mabait. Loyal.
Isang araw, umamin yung girlfriend niya.
May nangyari raw sa kanila ng iba.
Hindi raw planado.
Lasing daw.
Nagkamali lang daw.
Alam mo kung ano ginawa ng tropa ko?
Nag-stay.
Kasi mahal niya.
Kasi sayang daw yung taon.
Kasi baka maayos pa.
Pero simula noon,
hindi na siya naging pareho.
Laging may kutob.
Laging may duda.
Laging nag-o-overthink.
Tuwing late umuwi yung babae,
bumabalik yung eksena sa isip niya.
Hindi dahil mahina siya,
kundi dahil may sugat
na hindi na kayang gamutin ng “sorry.”
Real talk.
Kapag tinira na ng iba ang girlfriend mo,
hindi na pagmamahal ang kalaban mo.
Ego na.
Self-respect na.
Pwede kang magpatawad,
pero hindi mo obligasyon mag-stay.
Kasi kahit sabihin niyang mahal ka pa,
may hangganang tinawid
na hindi na mabubura.
At eto ang masakit na katotohanan:
Hindi ka niya ginawang lalaki
nung pinili niyang gawin ’yon.
At kung pipiliin mong mag-stay,
araw-araw mong pipiliing lunukin
ang ginawa niya.
Hindi lahat ng sugat
kailangang gamutin.
Yung iba, kailangang layuan.
Iniwan siya ng tropa ko after months.
At doon lang siya nakahinga ulit.
Hindi lahat ng pag-alis ay talo.
Yung iba, pagligtas.
Hustle Over Slavery - H.O.S