Alay Sining Eduk

Alay Sining Eduk Alay Sining Eduk is a cultural National-Democratic mass organization based from the university-wide Alay Sining in UP Diliman.

[NAGKAKAISANG PAHAYAG NG MGA G**O NG BAYAN HINGGIL SA HULING SONA NI DUTERTE]Sa loob ng limang taong panunungkulan ni Pa...
26/07/2021

[NAGKAKAISANG PAHAYAG NG MGA G**O NG BAYAN HINGGIL SA HULING SONA NI DUTERTE]

Sa loob ng limang taong panunungkulan ni Pangulong Duterte, kaliwa’t kanan ang mga kaso ng paglapastangan sa mga demokratikong karapatan ng bawat mamamayan.

Sa panahon ng kanyang pamamalakad, talamak ang mga naging pagpatay, iligal na pagdakip, at pagsampa ng mga gawa-gawang kaso sa iba’t ibang mga marhinalisadong grupo at indibidwal— mula sa madugong Oplan Tokhang na kumitil ng libu-libong buhay, hanggang sa pagpasa ng Anti-Terrorism Act na higit pang binigyang laya ang rehimeng Duterte na ipagpatuloy ang kanyang pamamasismo. Huwag din natin kalilimutan ang kanyang hindi pagdepensa sa ating West Philippine Sea, patuloy na pagbabalewala sa karapatan ng mga manggagawang Pilipino, kakulangan ng suporta sa sektor pangkalusugan, pagpapabaya sa estado ng edukasyon ng ating bansa, at ngayon ang kanyang kapalpakan sa pagtugon sa krisis ng pandemya.

Takot ang administrasyon sa mga kabataang naliliwanagan na bulok ang kanyang pamamalakad at buong tapang na nakikiisa sa panawagan ng taumbayan. Sa taong 2019 lamang, 55 na Lumad Schools sa Davao Region ang ipinasara ng rehimeng Duterte at ngayon, sang ayon sa datos ng Save Our Schools Network ay nasa 176 na Paaralang Lumad na ang naipasara sa Mindanao kung saan 5,500 na mga kabataang katutubo ang pinagkaitan ng kanilang karapatan sa Edukasyon. Nagpatuloy rin ang paniniil ng estado hanggang sa mga Lumad na nagbakwit sa Cebu kung saan kamakailan lamang, ay 26 na mga kabataang Lumad at kanilang g**o ang iligal na hinuli sa isinagawang raid. Manipestasyon rin ng pagsasabotahe ng Administrasyong Duterte sa sektor ng Edukasyon ang makaisang panig na pagwawakas ng UP-DND Accord na lalong naglagay sa mga Iskolar ng Bayan sa tiyak na kapahamakan at ang patuloy na surveillance at pagtutukoy ng DepEd sa mga kasapi ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) at Teachers Dignity Coalition. Patunay ang lahat ng ito ng harap-harapang paglabag ng rehimeng Duterte sa ating kalayaang pang-akademiko at karapatan sa ligtas, dekalidad, at abot-kayang edukasyon.

Labis din ang naging kapabayaan ng administrasyong Duterte sa mga pang-ekonomikong pangangailangan ng taumbayan magmula nang siya ay maupo bilang Presidente. Noong dumating ang pandemya ay hindi natin makakalimutan kung paano ito palpak na tinugunan ng kanyang administrasyon. Dahil sa kawalan ng mass testing at contact tracing, nagpatuloy ang pagkalat ng sakit na COVID-19 kung saan libo na ang namatay at nasadlak ang taumbayan sa lagpas isang taon nang lockdown at paulit-ulit na community quarantines.

Hanggang ngayon, patuloy na naghihirap ang mga mag-aaral, g**o, mga empleyado, at magulang sa remote learning set up dahil sa kakulangan ng aksyon ni Duterte para lutasin ang krisis ng pandemya. Maraming mag-aaral pa rin ang hindi makasabay sa online learning dahil sa kawalan ng sapat na gadget at internet allowance at patuloy naman na nahihirapan ang iba pa sa modular learning lalo na ang mga nasa mababang baitang. Patuloy rin ang panawagan ng mga kaguruan sa pagtataas ng sahod, internet allowance, at maayos na gadget sa gitna ng pandemya. Sa loob ng limang taon ay hindi pa rin naibibigay ang nakasasapat na sahod sa ating mga g**o, kulang pa rin ang mga pasilidad at kagamitan sa mga pampublikong paaralan, at patuloy ang budget cuts sa mga SUCs. Ang lahat ng ito ay patunay lamang ng mga kasinungalingan at kapabayaan ni Duterte sa kanyang mga pangako sa sektor ng edukasyon.

Bilang mga estudyante at g**o, naging biktima tayo ng mga baluktot na prayoridad ng gobyerno. Naging suntok sa buwan ang pagtamasa ng ating mga pangarap at karapatan sa edukasyon. Mula sa kanyang pagkakaluklok bilang presidente noong 2016, limang taon na tayong nasa ilalim ng mapang-abuso at pahirap na rehimen ni Duterte. Limang taon na tayong nagdurusa sa ilalim ng isang diktador na sa bawat pagbukas ng kanyang bibig at sa bawat pilantik ng kanyang kamay na bakal, patuloy na napipinturahan ang ating mga lansangan ng dugo ng mga inosente, nawawalan ng trabaho ang mga manggagawa, nadadagdagan ang mga kumakalam ang sikmura, at nanganganib ang karapatang pantao ng mamamayang Pilipino.

Kaya naman bilang mga G**o ng Bayan, mariin nating pinagtitibay ang ating pakikibaka para tuligsain ang pasista, pabaya, at pahirap na administrasyon ni Duterte. Sa gitna ng kahirapang nararanasan ngayon ng taumbayan sa pagkamit ng ating karapatan sa edukasyon, ay sama-sama nating paigtingin ang ating panawagan para sa . Bilang rekisito ng ligtas na pagbabalik ng klase ay sisingilin din natin ang administrasyon sa darating na SONA para sa nakasasapat na ayuda at libreng bakuna para sa lahat kasabay ang panawagan sa maayos na kalagayang paggawa at nakasasapat na sahod sa mga g**o at paglalaan ng sapat na budget sa sektor ng edukasyon. Patuloy rin tayong naninindigan para sa pagtatanggol ng ating kalayaang pang-akademiko at sa pagbabasura ng Anti-Terror Law.

Ngayong Hulyo 26, araw ng Lunes, ay nakikiisa ang mga G**o ng Bayan sa malawak na hanay ng masang Pilipino sa pagtatanggol sa ating mga demokratikong karapatan. Dalhin natin sa lansangan ang ating mga panawagan. Dumalo sa mobilisasyon sa ni Duterte at sama-sama nating pagpanagutin ang rehimen sa kanyang kapabayaan at palpak na pamamalakad sa gitna ng pandemya at limang taong panunungkulan.

Signatories:
Alay Sining Eduk
Radyo Eduk
Sign UPD
Sikhay EDUK
STAND UP Eduk
Sulo
UP Education Society
UP Educators' Circle
UP Preschool Practitioners
UP Science and Mathematics Majors Advocating Responsible Teaching

PANGIYAK!Nothing can stop us from learning! The Save Our Schools Network proudly invites everyone to the Lumad Bakwit Sc...
04/07/2021

PANGIYAK!

Nothing can stop us from learning! The Save Our Schools Network proudly invites everyone to the Lumad Bakwit School Graduation and Moving Up Ceremony 2021.

Despite the relentless attacks against lumad schools and communities coupled with the difficulties brought by the pandemic, finally we've reached another milestone. And it wouldn't have been possible, if it weren't for all of you who are tirelessly supporting us and guiding us in this journey.

With this, again we call on fellow advocates, network members, friends, colleagues, allies both in the country and abroad to help us realize this historical and momentous event as students of the bakwit school crosses the finish line this year.

Please message us for inquiries or email us at [email protected]. Daghang salamat.

Sa ilalim ng rehimeng Duterte, sunod-sunod ang naging atake sa mga komunidad at eskwelahan ng mga kapatid nating Lumad. ...
23/06/2021

Sa ilalim ng rehimeng Duterte, sunod-sunod ang naging atake sa mga komunidad at eskwelahan ng mga kapatid nating Lumad. Ngayong taon lamang ay sunod-sunod ang naging panghihimasok ng mga militar sa kanilang mga komunidad, pagpapasara ng kanilang mga eskwelahan, panghuhuli, at pagpatay sa mga Lumad.

Bakit nga ba sila inaatake ng rehimen? Ano nga ba ang ipinaglalaban ng mga kapatid nating Lumad?

Alamin natin! Makibahagi sa ating talakayan!

LumadLaban: Isang talakayan tungkol sa laban ng mga Lumad para sa kalayaan at edukasyon.
Hunyo 26, 2021 (Sabado) | 5PM

Sign up link: tinyurl.com/LumadLabanForm

CALL FOR DONATIONS AND VOLUNTEERS!If interested to volunteer, you may sign-up through the link: https://bit.ly/IskoOpsSi...
12/11/2020

CALL FOR DONATIONS AND VOLUNTEERS!

If interested to volunteer, you may sign-up through the link: https://bit.ly/IskoOpsSignUp

For Monetary Donations, the following may be used:
BPI
Patricia Emerie Dela Pena
3879 0420 88

BDO
Keana Sumi Rachelle Nerona
007000543504

Paypal
paypal.me/mayoipat

Gcash
09503746162
Joshua Isaiah

Paymaya
Keana Sumi Nerona
09174963606

For In-Kind Donations:
Tierone Santos
0916 765 4695

Drop off point: UP Diliman University Student Council Office, Sampaguita Residence Hall, UP Diliman, Quezon City

Sinasabi nila, ok lang daw,Kasi may kalsada't tulay.Bahala na daw, ang mga taoKahit ang mga patay.Ang bawat butil, ng do...
16/10/2020

Sinasabi nila, ok lang daw,
Kasi may kalsada't tulay.
Bahala na daw, ang mga tao
Kahit ang mga patay.

Ang bawat butil, ng dolomite sand
Ganun din karaming luha
Ng bawat isang, nagdurusa
Buhat ng mga pasista.

Ang panawagan, ang hustisya
Saan nga ba matatagpuan?
Sa kamay ba ng militar, kapulisan?
O sa paglaban ng bayan?

~~~

Mariing kinukundena ng Alay Sining Eduk ang panggugulo sa lamay at libing ni Baby River Nasino.

Mula sa pagkakahuli kay Reina "Ina" Mae Nasino hanggang sa paghahatid sa huling hantungan ng kanyang anak na si Baby River ay hindi naging makatao ang pagtrato ng estado sa mag-ina. Sa buong proseso ay kitang kita ang pag-abuso ng kapulisan sa kanilang kapangyarihan.

Si Ina ay isang bilanggong pulitikal na ikinulong dahil sa mga probisyon ng hindi makataong Anti-Terror Law. Kasama si Ina sa mga hinuli sa kasagsagan ng crackdown sa mga aktibista noong nakaraang taon. Habang siya ay nasa kulungan ay ipinanganak niya si Baby River. Wala pang isang buwan ang sanggol nang ipinaghiwalay ang mag-ina. Pinagkaitan si Baby River ng kalinga mula sa kanyang ina. Kamakailan ay dinala si Baby River sa ospital at nag-agaw buhay. Ngunit sa kabila ng dinaranas na karamdaman ng sanggol, ay hindi pinayagang pansamantalang lumabas si Ina para makasama ang kanyang anak sa mga huling sandali sa kabila ng sunod sunod na apela sa korte suprema ng kaniyang pamilya, mga abogado, at iba’t ibang indibidwal at organisasyon.

Oktubre 13 nang unang sinabi na bibigyan si Ina ng 3 araw na furlough ngunit mabilis itong hinarang ng BJMP at ibinaba sa 2 araw na may tig-tatlong oras bawat araw dahil kuno sa kakulangan sa makinarya. Ngunit kitang kita sa lamay at libing ni Baby River na sandamakmak na pulis ang idineploy para bantayan si Ina.

Hanggang sa paghahatid sa huling hantungan kay Baby River ay inabuso ng kapulisan ang kanilang kapangyarihan. Labag sa hiling ng pamilya na pinaharurot ng kapulisan ang karong nagdadala ng labi ng sanggol. Naiwan ang pamilya at mga nakikisimpatya sa gitna ng kalsada na maglalakad dapat para sa funeral march. Hanggang sa pagdating sa libingan ay pulis ang nakapalibot kay Ina imbes na ang kanyang pamilya na dapat ay karamay sa pagluluksa at pamamaalam sa sanggol. Ni isang huling yakap sa kanyang anak ay hindi magawa ni Ina dahil hanggang sa huling sandali ay hindi tinanggal ang kanyang posas.

Biktima si Baby River ng pasistang estadong gumagalaw sa isang sistema na hindi nakasandig sa interes ng mamamayan. Dahil sa malasindikatong pagkilos ng PNP at NTF-ELCAC, maraming mamamayan ang napagkakaitan ng hustisya at mga karapatan. Kamakailan lang ay ipinasa na ang Implementing Rules and Regulations ng Anti-Terror Law. Lalo lamang nitong papatindihin ang atake sa mamamayang lumalaban dahil sa patuloy na pagkadismaya sa pamamalakid ng pasistang estado.

Panahon na para baguhin natin ito. Panahon na para patalsikin ang numero unong pasimuno ng pamamasista sa mamamayan! Siya mismong nakaupo sa trono at kumukumpas sa pagpatay sa mamamayan!

SIGAW NG MGA G**O AT ARTISTA NG BAYAN:

We cried a river, now we fight back!We live not for own sake but for our family, our kin, our nation and those who were ...
16/10/2020

We cried a river, now we fight back!

We live not for own sake but for our family, our kin, our nation and those who were deprived of their lives by corrupt powers of the dictatorship. Baby River's death is as much a tragey as it is political, and it is a wake up call.

We live and fight for them and for the future they deserve. Let's come together as one Filipino community in mourning, rage and hopefule resolve for Justice.

ANG TAO, ANG BAYAN, NGAYON AY LUMALABAN!

Join the Social Media Rally at 3PM!

DP: https://drive.google.com/file/d/1TonaKRz_6CKShPJVn1TRBgL8Y19vAjx-/view?usp=sharing

DP Caption: https://docs.google.com/document/d/15ZnN78b9nGQHDzoZJka9R8obe-TIz0iKdSXszqodrgc/edit?usp=drivesdk

Ang sining ay hindi pawang sining lamang.Ito ay sandata,Ito ay panawagan,Ito ay makapangyarihan.Inihahandog ng Alay Sini...
09/10/2020

Ang sining ay hindi pawang sining lamang.
Ito ay sandata,
Ito ay panawagan,
Ito ay makapangyarihan.

Inihahandog ng Alay Sining, sa pangunguna ng ASg Music Collective ang "ALPAS: Para sa tinig na nakikibaka't bumabalikwas", isang koleksyon ng mga kanta na inilalahad ang danas at panawagan ng ordinaryong estudyante at masang anakpawis sa ilalim ng militaristiko, palpak, at pasistang tugon sa pandemya ng rehimeng Duterte.

Sa mahigit anim na buwan sa ilalim ng pandemya, nananatiling walang pag-unlad ang ating bansa mula sa krisis pangkalusugan at pangekonomya. At sa patuloy na paglaki ng agwat ng mayayaman sa mahihirap, patuloy din nating nakikita ang kabulukan ng sistema at ang natatanging landas para sa isang maayos na kinabukasan - ang pambansang demokratikong pakikibaka.

Mga kanta:
- Piso Para Sa
- Sino Ang Tunay Na Terorista
- Kontra Busal
- Apoy Ng Rebolusyon
- Nakaw
- Oust Duterte

Pakinggan: https://soundcloud.com/user-959860688/sets/alpas...
Sumali sa Alay Sining: https://forms.gle/cQkvMQCnDcph7o5j8

Magmulat, maglingkod, magtanghal at makibaka!
Artista ng Bayan, paglingkuran ang sambayanan!

Pakinggan: https://soundcloud.com/user-959860688/sets/alpas?fbclid=IwAR3efyl_ReFChoiWM70HmXyimTq0EORgTzci-KT__fdHQrlRbGKdmSuoCcc

Sumali sa Alay Sining: https://forms.gle/cQkvMQCnDcph7o5j8

Magmulat, maglingkod, magtanghal at makibaka!
Artista ng Bayan, paglingkuran ang sambayanan!

Sa ganitong araw ng lunes, sa ganitong oras,Sa halip na nagpapahinga, malamang si titser ay babadSa harap ng laptop, o ‘...
05/10/2020

Sa ganitong araw ng lunes, sa ganitong oras,
Sa halip na nagpapahinga, malamang si titser ay babad
Sa harap ng laptop, o ‘di kaya’y mantsado na ng tinta
Ng ballpen ang mga daliri sa pagsusulat ng kaniyang lesson plan,
At pagtse-tsek ng mga naging pagsusulit sa nagdaang araw,
Saka isa-isang ii-input ang grade. Magp-print pa siya
Ng learning materials para sa klase bukas. Matapos ay saka lang
Makakapagpahinga. Maliban na lang sig**o kapag
Kailangan pang tulungan si bunso sa kaniyang takdang aralin,
Bilang si titser ay isang ring nanay na may tungkulin sa pamilya.

Sabi nila, laking gaan daw kay titser ‘yung bagong moda
Ng pag-aaral. “Wala na silang intindihin,” kesyo modular
O online na ang klase. Pero ang ‘di nila alam, si titser
Pinagsasabay na ang pagluluto ng ulam sa webinar. Paminsan pa,
kasalo niya ang laptop sa hapunan - ‘yun ay kung may laptop man siya.

‘Yung katrabaho kasi ni titser, wala. Cellphone lang ng anak,
Salitan pa sila bilang nagkaklase rin ‘yung bata. Dagdag hirap pa
‘yung mabagal na internet at ‘yung dagdag gastos sa koneksyon.
Sa lalim nga ng buntong hininga ni titser, sa bigat ng bulsa,
Sa bigat ng trabaho, hindi niya ramdam ‘yung ginhawa.

Ngunit nagpapatuloy siya. Sa kabila ng problema at
Kawalan ng suporta sa kanila, ngumingiti pa rin si titser na
Para bang okay ang lahat. Sabi niya, “hindi pwedeng matigil kayo
Sa pagkatuto, kung may magagawa naman kami,” at madalas
Hindi ito natatapos sa loob ng klasrum, o sa modules na
Kaniyang hinatid, o sa apat na sulok ng screen kung saan
Kami nakukulong ngayon. Dahil si titser, mantsado rin ang
Palad ng pinturang ipinangguhit sa karton, at ang damit ay
Basa ng pawis matapos bitbitin ang mga panawagang ‘di lamang
Para sa sarili, kundi para sa ikabubuti naming estudyante niya.

------------------------------------------------------------------------

Ngayong Oktubre 5, Araw ng mga G**o, pinagpupugayan natin ang dedikasyon at sakripisiyo ng ating kaguruan para sa bayang kanilang pinagsisilbihan. Inaalala natin na hindi biro ang maging g**o lalo na kung nasa ilalim tayo ng isang gobyernong walang pagpapahalaga sa sistema ng edukasyon. Tunay na sila ay kahanga-hanga sa pagtangan ng responsibilidad ng pagpapadaloy ng kaalaman at pagtulong sa paghubog ng ating kamalayan. Kasabay ng ating mga pagbati para sa mga g**o, kaisa rin nila tayo sa pagpapanawagan ng kanilang mga hinaing na pagtaas ng sahod at pagkakaroon ng maayos na kondisyon sa trabaho laluna sa kasalukuyang sitwasyon sa gitna ng pandemya.

Mabuhay ang mga g**o ng bayan!

Musta kayo mga bhie?! 😔😭Magsisimula na ang klase sa maraming paaralan sa darating na Oktubre 5, samantalang umaarangkada...
02/10/2020

Musta kayo mga bhie?! 😔😭

Magsisimula na ang klase sa maraming paaralan sa darating na Oktubre 5, samantalang umaarangkada na sa iba. Pero, pare-pareho tayong nahihirapan sa paghahanda at sa mismong klase sa ilalim ng pandemya. Hirap ang mga estudyante, g**o, at magulang sa online classes, kaledad ng pag-aaral, at pagtugon sa requirements. At alam naman natin na hindi dapat tayo nasa sitwasyong ito kung tinugunan agad ng gobyerno ang mga solusyong medikal. 😠 Kaka-frustrate, ‘di ba???
eduKAYA PA BA? 😩 Tara sa isang educational discussion at kumustahan tungkol sa kalagayan ng kabataan at ating sistemang pang-edukasyon sa ilalim ng pandemya.

October 4, Sunday, 1PM via Zoom and FB Live

Sign up link: https://forms.gle/xYnHMFHNcErVp1TZ6

Malaki ang papel ng plumaMasaklap na tagpo sa kasalukuyan ang dibuhong iginuguhit ng lapisMadugong katotohanan ang ikinu...
24/09/2020

Malaki ang papel ng pluma
Masaklap na tagpo sa kasalukuyan ang dibuhong iginuguhit ng lapis
Madugong katotohanan ang ikinukulay ng mga pintura
At saklolo ng masa ang nagkukubli sa likod ng mga himig.

Ang sining ay hindi pawang sining lamang.

Ito ay sandata,
Ito ay panawagan,
Ito ay paghihimagsik.

Artista ng bayan, ang paglikha ay pagtindig.

Samahan ang Alay Sining sa paggunita ng ika-26 na taon ng pagtindig para sa laban ng magsasaka, manggagawa, g**o at kabataan laban sa pananamantala ng mga naghaharing-uri. Sumali sa pakikibaka gamit ang sining bilang sandata at dumalo sa pagtatanghal ng mga kabataang artista sa darating na Sabado, ika-26 ng Setyembre. Alas-otso ng gabi!

Magmulat, maglingkod, magtanghal makibaka!

At bilang karagdagan, may munting regalo mula sa Alay Sining KAL! Tunghayan ang "Sining Sandata", isang instagram filter! https://www.instagram.com/ar/330690518347045

Kung nais namang magtanghal, magsign up lamang dito! http://bit.ly/AlaySining26

Nariyan na ang Sining Eskuwela main launching! Tara na't pag-aralan natin ang sining at lipunan!  Napakaraming isyung pa...
22/09/2020

Nariyan na ang Sining Eskuwela main launching! Tara na't pag-aralan natin ang sining at lipunan!

Napakaraming isyung panlipunan ang dumadagdag sa bawat araw na lumilipas, at hindi ligtas ang larangan ng sining dito. Ano nga ba ang silbi ng sining sa lipunang kinagagalawan natin? Paano nga ba natin ito magagamit tungo sa panlipunang pagbabago? Tara na, mag-enroll na sa Sining Eskuwela upang pag-aralan ito!

Ang Sining Eskuwela ay isang alternatibong eskuwelahan para sa mga artista ng bayan saan mang panig ng Pilipinas. Layunin nito na langkapan ng suri sa lipunan ang bawat artista habang ginagamit nito ang kanilang talento upang ibayong pagsilbihan ang lipunan. May dalawa itong anyo, online mode of learning at on-ground mode of learning. Sa online, ang lessons, workshops, at iba pa ay gaganapin sa Google meet at Zoom. Samantala, ang on-ground mode of learning naman ay gaganapin kasama ang mga kabataang artista sa komunidad ng UP Diliman. Kalakip ng Sining Eskuwela ang iba't iba pang activities gaya ng workshops sa iba't ibang porma ng sining, cultural nights, at marami pang iba!

Kaya ano pang hinihintay mo? Enroll na!

bit.ly/SiningEskuwela

Sa mga katanungan, huwag mag-atubiling mag-iwan ng mensahe sa aming page.

Address

Diliman

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Alay Sining Eduk posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Establishment

Send a message to Alay Sining Eduk:

Share