17/09/2026
MAG-INGAT, JOB SEEKERS!
May mga pekeng hiring posts na gumagamit ng pangalan at branding ng J&T Express para magmukhang legitimate.
Kung may makita kang hiring post o recruiter na humihingi ng tipping, fees, o bayad para sa application o hiring process, mag-ingat. Walang hinihinging recruitment o processing fee ang J&T Express.
✔️Huwag magpadala ng pera para sa application.
✔️Huwag basta magbigay ng personal information.
✔️Huwag makipag-transact sa hindi verified na accounts.
Mag-ingat, mag-verify, at makipag-ugnayan.