25/12/2025
Condolences angkol Vince. Thank you for being one of the makers behind this Call of Duty Mobile. Sana bumili ka revival coin, d ka namin madodogtag nasa labas ka ng zone.
VIDEO GAME DEVELOPER, NASAWI SA CAR CRASH
Pumanaw ang co-creator ng video game series na "Call of Duty" na si Vince Zampella, anunsyo ng kumpanyang Electronic Arts.
Base sa ulat ng local broadcaster na NBC4, nagmamaneho siya ng Ferrari nang tumama ito sa isang concrete barrier sa California.
Itinatag ni Zampella ang video game development studio na Respawn Entertainment. Ilan sa inilabas nilang games ang "Titanfall," "Apex Legends," at "Star Wars Jedi."
Siya ang dating CEO ng Infinity Ward, ang studio sa likod ng "Call of Duty" franchise.