PolitiKaalaman

PolitiKaalaman Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from PolitiKaalaman, Davao City.
(4)

“BILANG ISANG INA, NAKIKIDALAMHATI SA KAPWA INA” — PEBBLES DUQUENagbigay ng reaksyon si Pebbles Duque matapos bumisita s...
24/06/2026

“BILANG ISANG INA, NAKIKIDALAMHATI SA KAPWA INA” — PEBBLES DUQUE

Nagbigay ng reaksyon si Pebbles Duque matapos bumisita si Vice President Sara Duterte sa burol ng isa sa mga nasawi sa Tacloban school shooting.

“The mom personally asked to speak to VP Sara Duterte even just mobile. She went there. I love this photo. It says a lot. Nakikidalamhati sa Ina bilang isang Ina.”

HILING NG INA, TINUPAD NI VP SARAMatapos umapela ang ina ni Chris Lorenz Fabian na si Bea Fabian na makausap man lang si...
24/06/2026

HILING NG INA, TINUPAD NI VP SARA

Matapos umapela ang ina ni Chris Lorenz Fabian na si Bea Fabian na makausap man lang si Vice President Sara Duterte, hindi inaasahan ng pamilya na personal itong darating sa burol ng kanilang anak.

Ayon sa kanila, malaking bagay ang pagbisita ng Bise Presidente sa gitna ng kanilang pagdadalamhati.

📷: Jona Galang

“NASAAN ANG LISTAHAN?” — DDS VLOGGER, SINAGOT SI GABE PINEDAMatapos ikumpara ng social media personality na si Gabe Pine...
24/06/2026

“NASAAN ANG LISTAHAN?” — DDS VLOGGER, SINAGOT SI GABE PINEDA

Matapos ikumpara ng social media personality na si Gabe Pineda ang galit ng ilan sa Tacloban school shooter at ang umano'y pananahimik sa isyu ng EJK, sumagot naman ang DDS vlogger na si Кэрри Мэтисон.

“Bobohan nyo pa. Claim kayo ng claim ng EJK, hanggang ngayon wala nga kayong mapalabas na listahan ng 30,000 EJK victims kuno.”

BREAKING: MGA KASO, ISINAMPA NA LABAN SA SCHOOL SHOOTERPormal nang nagsampa ng mga reklamong kriminal ang pulisya laban ...
24/06/2026

BREAKING: MGA KASO, ISINAMPA NA LABAN SA SCHOOL SHOOTER

Pormal nang nagsampa ng mga reklamong kriminal ang pulisya laban sa 15-anyos na suspek sa madugong school shooting.

Ayon sa mga awtoridad, nahaharap ang menor de edad sa tatlong bilang ng murder, tatlong bilang ng frustrated murder, at ilang bilang ng serious physical injuries kaugnay ng mga nasawi at nasugatan sa insidente.

Ang development na ito ay muling nagpasiklab sa pambansang diskusyon tungkol sa pananagutan ng mga menor de edad sa ilalim ng umiiral na batas.

“KUNG KAYA NATING TAWAGING SHARMAINE ANG ORANGE, BAKIT HINDI ANG TAO?”Inihain nina Perci Cendaña, Chel Diokno, Dadah Kir...
23/06/2026

“KUNG KAYA NATING TAWAGING SHARMAINE ANG ORANGE, BAKIT HINDI ANG TAO?”

Inihain nina Perci Cendaña, Chel Diokno, Dadah Kiram Ismula, at Kaka Bag-ao ang House Bill No. 9929 o ang Lived Identities and Recognition Act, na mas kilala ngayon bilang “Sharmaine Bill.”

Layunin ng panukala na bigyan ng legal na pagkilala ang identities ng trans at intersex Filipinos.

Sa pagpapaliwanag ng panukala, sinabi ni Rep. Cendaña:

“Kung gets natin agad na Sharmaine ang gustong pangalan ng isang orange sa TikTok, kayang-kaya rin nating i-extend ang pag-unawa sa mga trans at intersex nating kapatid.”

Dagdag pa niya:

“Deserve nilang kilalanin ng batas sa pangalang nakasanayan nila at sa kung sino talaga sila.”

“UNDER THE PANGILINAN LAW, HINDI KA MAKULONG...” — FPRRDKasunod ng Tacloban school shooting at ng panibagong diskusyon s...
23/06/2026

“UNDER THE PANGILINAN LAW, HINDI KA MAKULONG...” — FPRRD

Kasunod ng Tacloban school shooting at ng panibagong diskusyon sa pananagutan ng mga menor de edad, muling binabalikan online ang pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Enero 2022.

“Under the Pangilinan Law, hindi ka makulong... That increased the number of crimes tenfold,” ani Duterte noon.

Ang pahayag ay muling naging usapin habang patuloy ang debate sa Juvenile Justice and Welfare Act, na itinuturo ng ilang sektor bilang isa sa mga batas na dapat repasuhin matapos ang mga insidenteng kinasasangkutan ng mga menor de edad.

23/06/2026

"KASO? UNAHIN NIYO SI BBM"

Atty. Guanzon, PUMALAG sa umanong WARRANT OF ARREST laban kay Sen. Marcoleta!

23/06/2026

'FPRRD WAS RIGHT ALL ALONG'

"Under the PANGILINAN LAW. hindi ka MAKULONG!" — FPRRD

23/06/2026

"PROMPTER HINDI NA-READY?!" PCO Usec. Claire Castro: "Magandang araw, Malacañang Press Corps...................."😂

“HINDI LANG ANG BATA ANG MAY PANANAGUTAN” — KIKONilinaw ni Sen. Kiko Pangilinan na ang Juvenile Justice and Welfare Act ...
23/06/2026

“HINDI LANG ANG BATA ANG MAY PANANAGUTAN” — KIKO

Nilinaw ni Sen. Kiko Pangilinan na ang Juvenile Justice and Welfare Act ay hindi nagbibigay ng libreng pass sa mga menor de edad na gumagawa ng krimen.

Ayon sa senador, may pananagutan pa rin ang mga kabataang lumalabag sa batas at may mga umiiral na proseso at intervention programs upang tugunan ang kanilang mga kaso.

Dagdag pa niya, hindi lamang ang mga bata ang may responsibilidad kundi maging ang kanilang mga magulang at ang pamahalaan na dapat magbigay ng sapat na suporta sa mga biktima at kanilang pamilya.

“Walang lugar ang karahasan sa ating lipunan, lalong-lalo na sa mga lugar na dapat ay ligtas para sa mga bata,” ani Pangilinan.

Address

Davao City
8000

Telephone

+639753966149

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PolitiKaalaman posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Establishment

Send a message to PolitiKaalaman:

Share