23/08/2026
Nagtatanong ako sa mga kaibigan kong fishkeeper kung bakit takot sila mag channa.
Madalas ang sagot, "ang hirap kasi igroom!"
Napaisip ako, sa 10yrs + na nag aalaga ako ng ibat ibang channa (pero bago lang na naka experience sa ibang species), at 20+ yrs sa ibat iba namang isda, di naman talaga sila mahirap alagaan. Parang nagaalaga ka ng betta na malaki. Yan madalas kong sinasabi sa mga nagtatanong.
-di kelangan ng komplikadong sump/filter/aeration. Bastat nakaka-ahon lang para makahinga, buhay na buhay.
-di maselan sa tubig. Napaka hardy ng mga channa, marami pang ibang sobrang maselan sa tubig. Sa channa, bastat waterchange kalang, solve na.
-di kelangan ng heater. May mga channa na gusto pa nga ang lamig. Sa mainit naman sila sensitibo. Pero labas sa mga cold species na channa, kaya lang nila ang natural na lamig at init sa palibot natin.
-syempre brown-out proof. Dahil di kelangan ng aeration, di tayo takot sa brownout. Kasama natin sa tapang dito ang mga betta owners. Hehe.
-ang kelangan lang talaga ay may takip ang tank mo. Yan lang talaga ang mahalagang requirement.
Bakit nasasabi nila na mahirap igroom?
Eto ang mga naisip kong dahilan.
1. Sobrang sensitibo ang predatory senses ng channa. Wag kalimutan, apex predators sila sa habitat nila. Madalas sensitibo sa ingay, movement at ilaw. Marami naman nakaka adjust pero natural sa kanila na sensitibo dahil parte ito ng instincts nila.
2. Mahirap makakuha ng quality stocks. Ang channa kasi ay madalas wild type genetics pa. Kahit captive bred na karamihan ng channa, ang genes nila ay di pa gaanong "napuro" sa mga looks na habol ng mga owners. Kaya ang channa mo ay madalas di lalaki sa target na looks na habol mo o yung mga nakita mo sa youtube o google pag tanda niya.
Hindi mahirap magpalaki ng channa. Enjoy nga eh at ang bilis pang lumaki.
Ang mahirap ay ang pag gawa ng komportableng environment na nagbibigay sa kanya ng confidence, at ang makakuha ng quality na stocks para malapit siya sa looks ng ideal channa na hinahabol natin.
Pasensya, tiyaga at tiwala, pang matagalan ang resulta sa channa, kaya ang sarap sa pakiramdam yung nakikitang dahan-dahan nagdedevelop ang alaga natin. 🙏
🫡🫡🫡