19/07/2026
Flict-G | "Kung paulit ulit talaga 'yung napili mo, dapat gusto mo talaga siya, parang hindi ka nagtatrabaho. Parang kasama lang siya sa routine mo araw araw."
Isa sa tinalakay nina Loonie nang bumisita si Flict-G sa Break it Down ay ang kahalagahan ng tunay na pagmamahal sa ginagawa nila. Ayon kay Flict-G, mahirap daw kung pera lang ang palaging dahilan kung bakit mo ginagawa ang isang bagay, lalo na kung paulit-ulit ito.
Dagdag pa ni Loonie, iba pa rin daw 'yung tunay na happiness, paano na lang daw kapag hindi mo na gusto ang ginagawa mo at labag na sa prinsipyo mo tapos ginagawa mo na lang ito dahil sa pera. Maraming negatibong pwedeng mangyari na makakaapekto sa'yo, gaya na lang ng anxiety at pagkakaroon na ng toxic mentality .