30/08/2026
BAHA – KASSA ( open verse )
Hindi ako rapper. Hindi rin ako songwriter.
Pero bilang isang ordinaryong Pilipino, may karapatan din akong magsalita.
Maliit man ang platform na meron ako, gusto ko pa rin itong gamitin para maglabas ng saloobin dahil ang baha, hindi lang tubig na pumapasok sa bahay. Kasama nitong lumulubog ang kabuhayan, pangarap, at kinabukasan ng maraming Pilipino.
Hindi natin kailangan maging sikat para magsalita.
Hindi natin kailangang maging eksperto para makaramdam.
At lalong hindi natin kailangang manahimik kapag may mali.
kaya gagamitin ko tong maliit na platform ko at konting nasulat na awitin para makapag ambag sa trend na ito.
Para sa mga lumulubog, hindi lang sa baha kundi sa sistemang matagal nang pinababayaan.
BAHA - KASSA 🇵🇭