Doc Ambiee Gaming Vault

Doc Ambiee Gaming Vault Welcome to Doc Ambiee Page! Welcome to the ultimate community where Pokémon Trading Cards and Ragnarok Online come together!

Buy, sell, trade, and unbox Pokémon TCG while immersing yourself in the excitement of Ragnarok Mobile: Eternal Love!

18/02/2026
05/02/2026

LAMANG ANG MAY ALAM:

Ano ang CPR?

Ang CPR (Cardiopulmonary Resuscitation) ay isang pang-unang lunas na ginagawa kapag ang isang tao ay hindi humihinga o walang pulso (tumigil ang tibok ng puso). Layunin nitong panatilihing may daloy ng dugo at oxygen papunta sa utak at mga mahahalagang bahagi ng katawan habang hinihintay ang tulong medikal.

Bakit mahalaga ang CPR?
- Nakakabili ng oras habang inaantay ang tulong
- Pinanatiling umaagos o dumadaloy ang dugo sa mahahalagang organ
- Maaring makapagligtas ng buhay

Kailan ginagawa ang CPR?
- Hindi humihinga
- Walang malay at walang pulso

Ano ang pangunahing ginagawa sa CPR?
1. Chest compressions (piga sa dibdib): paulit-ulit na pagpiga or bomba sa dibdib upang mag-pump ng dugo (ginagawa sa bilis ng 100-120/mins at lalim ng 2 inches)

2. Rescue breathing (paghinga): kung may sapat na kaalaman kung paano ito gawin

Kung hindi naman sapat ang kaalaman sa rescue breathing maaring gawin ang hands-only CPR or piga sa dibdib lamang (pinaka-rekomendado sa publiko)

29/01/2026

LAMANG ANG MAY ALAM:

Ano ang Coronary Bypass?

Isang operasyon sa puso na ginagawa upang lampasan ang baradong ugat ng puso. Layunin nito na mapabuti ang daloy ng dugo papunta sa puso. Ginagawa ito sa mga baradong ugat na hindi na kayang ayusin ng angioplasty o mahirap na ayusin ng angioplasty.

Baradong Ugat
- Nagkakaroon ng bara (plaque) sa loob ng ugat
- Humihina o nababawasan ang daloy ng dugo sa puso
- Maaaring magdulot ng pananakit ng dibdib o atake sa puso

Paano Ito Ginagawa?

1. Kumukuha ng malusog na ugat
👉 Karaniwang mula sa binti o dibdib

2. Ikinakabit ang malusog na ugat sa puso
👉 Ginagawang bagong daanan ng dugo

3. Nilalampasan ang baradong ugat
👉 Diretsong dumadaloy ang dugo sa puso

Benepisyo ng Operasyon

✔ Mas maayos ang daloy ng dugo sa puso
✔ Nabawasan ang pananakit ng dibdib
✔ Nababawasan ang panganib ng atake sa puso
✔ Mas gumaganda ang kalidad ng buhay

28/01/2026

LAMANG ANG MAY ALAM:

Ang karaniwang sintomas ng atake sa puso ay paninikip o bigat sa dibdib, na parang may nakadagan o nakapatong sa dibdib. Maaari ring makaranas ng pagpapawis ng malamig.

Maaaring may iba pang sintomas kasabay ng paninikip ng dibdib o hirap sa paghinga. Tingnan sa ibaba ang mga sintomas na maaaring palatandaan ng atake sa puso.

Upang maagapan ang kumplikasyon, marapat na alamin ang mga ospital na malapit sa inyong lugar na may angiogram o cath lab.

28/01/2026

LAMANG ANG MAY ALAM:

Ang atake sa puso (heart attack) ay nangyayari kapag nababarahan ang daluyan ng dugo (coronary artery) na nagbibigay ng dugo at oxygen sa puso.

Kapag hindi agad naagapan, maaaring humantong ito sa malubhang komplikasyon o kamatayan.

Tingnan sa ibaba ang proseso kung paano nangyayari ang atake sa puso.

28/01/2026

LAMANG ANG MAY ALAM:

ANO ANG ANGIOGRAM?

Ang angiogram ay isang diagnostic test para makita kung may bara o pagkipot sa mga ugat ng puso (coronary arteries).

Paano ito ginagawa?
- May ipinapasok na manipis/ga-buhok na tubo na tinatawag na catheter sa ugat (karaniwan sa kamay o singit).
- Dinadala ito papunta sa puso.
- Nilalagyan ng contrast dye o tinta ang mga ugat para makita sa X-ray kung saan may bara o makitid na bahagi.

📌 Layunin:
Alamin kung may bara, gaano kalaki ang bara, at saan eksaktong bahagi ito.

ANO NAMAN ANG ANGIOPLASTY?

Ang angioplasty ay isang procedure para gamutin ang bara sa ugat ng puso.

Paano ito ginagawa?
- Ginagamit pa rin ang catheter na ipinasok sa angiogram.
- May maliit na lobo (balloon) sa dulo nito na pinapalaki sa loob ng baradong ugat para maibuka ang bara.
- Madalas, naglalagay din ng stent (parang maliit na metal mesh na tubo) para panatilihing bukas ang ugat.

📌 Layunin:
Maibalik ang maayos na daloy ng dugo papunta sa puso para maiwasan o magamot ang atake sa puso at pananakit ng dibdib (angina).

ANGIOGRAM = pang-susuri at pang tingin if may bara

ANGIOPLASTY = pang-gamot at pag sasaayos ng bara

27/01/2026

LAMANG ANG MAY ALAM:

Ang atake sa puso ay isang seryosong kondisyon na nangangailangan ng agarang lunas at mabilis na aksyon.

Narito ang ilang cathlab-ready hospitals sa Laguna, Cavite at South Metro Manila kung saan maaaring mabigyan ng mabilis at tamang paggamot ang mga pasyenteng posibleng inaatake sa puso.

Tandaan: Bawat segundo ay mahalaga. Kapag ang mga sintomas ng pasyente ay kahina-hinalang atake sa puso, marapat na siya ay agad dalhin sa pinakamalapit na cathlab-ready hospital upang maagapan ang paglala ng kondisyon.

Address

423 Sitio Burol
Dasmariñas
4117

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Doc Ambiee Gaming Vault posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category