03/03/2026
SPA Grand Recital 2026 – A Success!
“Tibok: Buhay, Damdamin at Sining”
Isang araw ng tibok ng puso, tibok ng pangarap, at tibok ng sining— tunay na naging matagumpay ang ating SPA Grand Recital 2026!
Sa temang “Tibok: Buhay, Damdamin at Sining,” ipinamalas ng ating mga mag-aaral ang kanilang talento, dedikasyon, at paglalakbay sa mundo ng sining.
⸻
Exhibit: Visual at Creative Writing
Ipinakita ng ating mga mag-aaral ang kanilang kahanga-hangang likha, mga obrang sumasalamin sa kanilang imahinasyon, karanasan, at damdamin.
Media Arts Presentation
Isang makabuluhang short film ang itinanghal ng ating Media Arts students-patunay ng kanilang husay sa storytelling at malikhaing paglikha.
Dance Performances
Mula sa elegante at disiplinadong galaw ng Asian Ballet hanggang sa makulay at makasaysayang sayaw ng Mindanao, tunay na bumihag sa puso ng manonood ang bawat indak.
Music Performances
Pinuno ng musika ang entablado-mula sa mga Filipino folk songs hanggang sa makabagbag-damdaming OPM songs na inawit nang buong puso.
⸻
Final Curtain Call
Sa pagtatapos ng gabi, nagkaisa ang lahat sa entablado para sa isang makabuluhang Final Curtain Call- isang simbolo ng pagkakaisa, pasasalamat, at tagumpay.
Ang bawat palakpak ay alay sa pagsisikap ng mga bata, sa gabay ng kanilang mga g**o, at sa walang sawang suporta ng mga magulang.
⸻
👩🏫 SPA Specialists
🎵 Music: Sr Reuben Adam Mendoza
💃 Dance: Sr Mc Trabuco
🎨 Visual Arts: Sr Leonardo Bonilla Jr.
✍️ Creative Writing: Sr Archie Cabes
🎬 Media Arts: Ma'am Fenamae Lara
📚 Grade Level Advisers
Grade 7: Ma'am Levy Valdez
Grade 8: Ma'am Macel
💛 SPA Coordinator: Sr Jonoa Marcos
⸻
Ang recital na ito ay hindi lamang pagtatanghal—ito ay patunay na kapag pinagsama ang buhay, damdamin, at sining, ang resulta ay isang pusong patuloy na tumitibok para sa pangarap.
Mabuhay ang SPA!
Patuloy tayong tumibok para sa sining!