14/08/2025
;
Kaluluwang tinatahi sa dilim.
Minsan,
Nagigising akong may humahawak sa dibdib ko,
Parang sinulid
Pero hindi ginhawa, kundi sikip.
Hindi Iyak,
Pero may luhang parang taga.
Tinagpi ang sarili gamit ang oras na wala,
Ginamit ang pagod bilang pandikit,
Ang pangarap bilang pansapin.
Pero kahit ilang ulit ko'ng idikit,
May hiwang ayaw magpatahi,
Laging bukas tuwing gabi.
At tuwing titigil ako,
Hindi para huminga, kundi
Para lang alamin kung may silbi pa ba
Ang susunod kong tahi.
Hindi ko alam ang sagot.
Pero araw-araw, tinatahi ko pa rin.
Kahit sa dilim.
Kahit walang nakakakita.
Dahil minsan, sapat na
Na naririnig ko ang tinig na:
"Buhay ka pa, Aziz. Buhay ka pa."