09/01/2026
DragonBall Z Rookies & Elite
Main Drawing Event 1
ELITE MECHANICS
- Mag drawing ng 1 legit character galing sa Dragonball (anime, manga, games, movies) basta official character bawal ung fanmade or original character
- Idrawing ng isang beses ang character na napili mo
- Fullbody, at pinapakita din ang powers or signature move
- Nakapatayo ung papel or canvas. Kahit anong brand at size ng papel pwede.
- fully colored ang entry
- kelangan me background
- pwede kahit ano artstyle basta makikilala padin ung charcter na napili.
- pwede gumamit ng reference online para kumuha ng idea pero bawal kopyahin ung mismong reference.
- bawal mga NSFW
- pwede ilive, myday, share ang wip hanggang 75% completion basta itag lang ang GAD ARTS
- BAWAL ISHARE ANG FINAL ENTRY
************
ROOKIES MECHANICS
- Mag drawing ng 1 hanggang 4 na official db character
- idrawing ang mga napiling character ng isang beses lang.
- idrawing sila sa kanilang normal day activity
- hindi kailangan na nakafullbody, atlis waist up.
- nakapatayo ang papel, pwede kahit ano brand o size ng papel .
- fully colored dapat
- kailangan may background
- bawal extra characters.
- pwede gumamit ng reference online para kumuha ng ideas pero bawal kopyahin mismo ung reference.
- pwede iLive, myday, shareng wip hanggang 75% completion basta naka tag ang GAD ARTS.
- BAWAL ISHARE ANG FINAL ENTRY.
**************
SINO ANG PWEDE SUMALI?
- mga traditional artist na member /follower ng GAD ARTS.
- kung ROOKIES LEVEL ka, pakifollow mechanics ng ROOKIES
- kung ELITE level ka, pakifollow mechanics ng Elite.
- kung digital artist ka gusto mo makisali, pwede nmn pero for collab lang entry mo
- Kung MASTERS level ka at gusto mo lang makisalo, pwede nmn. Kaw bahala mamili ng gagawin mo.
- Kung first timer mo sumali at (wala kang guild) for collab lang din entry mo (kung me guild ka) scored na entry mo.
PANO SUMALI?
- PM ANIKI sa FB Messenger. palagi namang ganto.
***************
CRITERIA FOR JUDGING ROOKIES
linework quality -5pts
Coloring skills - 5pts
neatness - 5pts
narrative- 5pts
CRITERIA FOR JUDGING ELITES
line at color skills - 5pts
Details ng background - 5pts
character expression - 5pts
Wow Factor - 5pts
***************
PANO MAG SUBMIT NG ENTRY?
ipasa ang work in progress shots ng gawa ke Aniki.
ipasa ang mga reference na ginamit
Ipasa ang clear photo ng final entry. (Walang anggulo, anggulo or decoration ng mga ginamit na armats sa gilid)
Ipasa ang DETAILS ng ENTRY
* name mo
* division mo
* guild name kung meron
*character na drinawing mo
* materials used
*date submitted
**************
EVENT TIMELINE
Registration: Hanggang Jan10 ng 6pm
Oo pwede sumali hanggat di pa tapos ang registration
ENTRY DEADLINE:
JANUARY 25 ng 6PM
Bawal po ang Late entry
JUDGING
Jan26-30
LIVESTREAM
Entry presentation at Announcement ng rankings
JANUARY 31 ng 6PM sa GAD ARTS TIKTOK ACCOUNT