28/05/2026
- Isipin mong nasa gitna ka ng karagatan at nakasakay ka sa isang maliit na bangka. Ang sarap lang sa pakiramdam na parang dinuyan ka ng maliliit na alon habang hinahaplos ka ng malamig at preskong hangin. Nakakilig. Nakakatuwa.
- Ang kulay asul na kalangitan, ang mga mapuputing ulap sa papawirin. Ang araw at ang sinag nito. Lahat sila masarap sa pakiramdam.
- Kahit pa noong una ay natatakot kang sumakay sa bangkang sinasakyan mo ngayon, na noong una ay may gumagabay pa sa’yo upang maitulak ito sa laot. Hanggang sa nagsimula kang matutong magsagwan. Hindi mo alam kung saan ka papunta pero ang gusto mo lang muna ay ang mapag-isa. Pero napagtanto mong hindi mababait ang mga alon, may mga alon din na masasama.
- Alon na kailangan mong harapin dahil kung hindi'y lulunurin ka nito o ibabalik ka kung saan ka nanggaling.
- Alon na kailangan mahalin.
- Alon ng buhay. Mga alon na minsan ay guni-guni lang ng isipan.
- Kuwento ng mga taong pinagtagpo lang sa umpisa pero hindi itinadhanang magsama.
- Wala ng mas maisasakit pa sa dalawang pusong pinagtagpo na tipong pinagtagpo para magkasundo. At noong nagkasundo na ay nagsimulang magmahalasan pa. Pero hindi nagtagal ay nauwi rin naman ang lahat sa "PAALAM NA".