13/06/2025
Sapat na ’yong mga araw
na mas pinili kong manatili kahit
masyadong mahirap at masakit..
Sapat na ’yong mga sandaling
hinayaan kitang saktan at durugin
ako para lang sana hindi tayo dumating
sa puntong kailangan nating magkalayo.
Siguro, sapat na ’yong paulit-ulit
na pagpapatawad at pagtanggap
para mapagod ang puso at hayaang
sa ganitong paraan na lang tayo
magtatapos at magkakalayo...
Sapat na siguro na paulit ulit kita
inuunawa at pinatatawad
kahit nasasaktan mo na ako..
Ito na ang tamang araw ng pagpapaalam
tinanggap ko na hanggang dto nalang..
Minahal kita ng higit pa sa buhay ko tandaan mo yan..ang kaso nga lang
Hindi mo ako pinahalagahan 🥹