19/06/2026
Umaabot sa mahigit ₱40K halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang 31-anyos na lalaki sa ikinasang buy-bust operation sa bayan ng Burgos.
Ayon sa nakuhang impormasyon ng Energy FM Dagupan, ikinasa ang nasabing buy-bust operation laban sa suspek pasado alas-kuwatro ng hapon sa Brgy. Tambacan sa nasabing bayan.
Nagresulta ito sa pagkakakumpiska sa suspek ng apat na sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 6.3 gramo at nagkakahalaga ng ₱42,840.00.
Nahaharap na sa kaukulang kaso ang nasabing suspek na napag-alamang kabilang sa street-level individual sa usapin ng ilegal na droga.